X. Dusk

2064 Words
Railey. Tinapos ko ang lahat ng homework, at reports kahapon na deadline ngayon. Maaga akong gumising dahil hindi ko maintindihan kung bakit sobrang energetic ako ngayon. Siguro dahil ngayon ang ikalawang linggo ko sa Fairfield High or dahil okay na kami ni Xy, at wala na akong aalalahanin na sisira ng araw ko. 5 o'clock nang magising ako, at ginawa ko ang morning routine ko na tutunganga sa kusina para magkape ng halos 30 minutes. Pagkatapos ay naligo na ako, at nag-almusal ng cereal, at gatas. Sinabi ko na wala akong future sa pagluluto. Maaga kasi umalis si Mom dahil busy na daw siya this month. Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumusina paglabas ko sa pinto. Si Xy suot ang trademark niyang long sleeve polo na nabukas ang butones at may sando sa loob, at ang skinny jeans niya. Nakasandal siya sa sasakyan niya, at naghihintay sa paglapit ko. "anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng frontseat, "Sinusundo kita." Nakangisi niyang sabi. Parang kailan lang ang sama ng tingin nitong lalaki na 'to sa akin tapos ngayon nandito siya sa harap ng bahay ko para mag-alok ng sakay. Wala akong nagawa hindi ko kayang tanggihan ang ngiti niya. "Wear your seatbelt." Napangisi ako. Tignan natin kung gaano kabilis magdrive ang isang Xy Jaymes. Sinindi niya ang radyo, at lumang tugtugin ang mga kanta na bumalot sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung bumagal lang ba ang pag-ikot ng paligid o mabagal lang talaga siya magdrive. Napatingin ako sa speedometer niya, at nakita kong nasa 50 kmph lang ang patakbo niya. "Xy, sa tingin mo anong oras tayo makakarating sa school?" Tanong ko. Tumingin siya sa relo niya, at hindi man lang pinansin ang sarcasm sa tono ko. "Bago mag-alas syete." Sagot niya. "No, what I mean is wala na bang ibibilis ang patakbo mo?" Tanong ko sa kanya. "Nasanay ka lang sa mabilis na pagmamaneho." Sagot niya naman. "Isa pa, hindi ka dapat nag-aalala sa oras." "Great." Sagot ko. Mas mabilis pa magpatakbo lolo ko. Ang lakas magsabi ng wear your seatbelt tapos ganito pala kabagal magmaneho. "Hindi ba kasabay mo sila George, at Katherina?" Tanong ko. "Mayroon silang sariling sasakyan. Nakikisabay lang sila sa akin para makatipid sa gasolina." Tipid niyang sabi. Sa laki ng mansion nila nanghihinayang sila sa gasolina. "Buti hindi sumasabog 'tong sasakyan mo sa sobrang bilis mo magpatakbo." Nilakasan ko ang sarcastic sa boses ko. He chuckled, "Sabihin na lang natin na mayroon lang talaga akong mahaba-habang oras kaya hindi ako nagmamadali."Sabi niya. "Puwes ako hindi. 7 o'clock mag-uumpisa ang arts, Xy." Sabi ko sa kanya. Mahina siyang humalakhak, at umiling-iling. Halos 6:45am nang makarating kami sa school. Kaya naman nagmamadali akong naglakad papunta sa Senior Building. "Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Para kasi akong kinukuryente kapag malapit siya, at hindi ako mapakali. Napatingin sa amin ang mga classmate namin sa arts nang makitang magkasabay kaming pumasok sa room. Nakita ko rin si Shawn na nakangiti pero pilit. Sorry, Shawn but my heart belong to this man. Nauna siyang umupo sa table, at in-adjust ang upuan ko malapit sa kanya. Nice! Noong nakaraang linggo kasi nakakuyom ang kamao niya dahil katabi niya ako. Lumapit naman agad si Shawn, at hindi pinansin ang presensya ni Xy. "Hello, Railey." Sabi ni Shawn na parang naiilang habang nakatingin kay Xy. Lumingon naman ako kay Xy, at nakita ko na nakaharap siya sa amin. Nakikinig, at interesadong malaman ang sasabihin ni Shawn. Parang kailan lang wala siyang pakialam sa mundo. Ibinaling ni Shawn ang tingin sa akin, "I just want to invite you on wednesday. You know, it's... It's my birthday and you should come. Pati ikaw, Jaymes." Sabi niya. Tumingin ako kay Xy, at nakatingin din siya sa akin. "Pupunta kami." Sagot ni Xy. Balak ko sana tumanggi, hindi kasi ako party-goer. "Tama, oo pupunta kami." Sabi ko naman. "Talaga! That's nice, 7 o'clock! Don't be late!" Sabi niya sabay yakap sa akin. "Okay na sige, tama na 'yan." Sabi ni Xy habang pinaghihiwalay kami ng yakap. Agad naman bumitaw si Shawn, at napalunok. "Thank you." Sabi lang niya kay Xy bago umalis. "Pumayag na nga, yayakap pa." Bulong ni Xy. "Selos ka naman?" Pang-aasar ko sa kanya. "Selos? Asa ka naman." Sabi niya. Mabilis na lumipas ang oras habang nakatitig ako kay Xy sa buong klase ng umaga. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. Na wala na ang galit sa mga mata niya. Isang bagong version ng Xy Jaymes ang kasama ko ngayon. Tahimik, makaluma, at weirdong Xy. "Sa amin ka sasabay ng lunch." Sabi niya sabay hila sa akin palayo sa table nila Shawn kung saan ako laging kumakain tuwing lunch. "Kasama si Katherina, at George?" Tanong ko. Hindi siya sumagot, at pinaupo ako sa lamesa kung saan sila laging nakaupo. Sandali niya akong iniwan para kumuha ng pagkain. Shit! Palapit na sila George, at Katherina. Anong gagawin ko? Kinakabahan ba ako? Parang mas grabe pa sa kaba ang nararamdaman ko. Alam ko naman na mabait silang dalawa pero syempre iba pa rin sa pakiramdam dahil noong nakaraang linggo lang para silang weirdo na nakatitig sa akin habang kumakain ako ng lunch. Tapos ngayon makakasabay ko sila. I don't belong with them, I am just a newbie. Lumapad ang ngiti ni Katherina nang makita ako, at halos tumakbo siya palapit sa table. Napatingin naman ang ibang estudyante sa kanya pati na ang mga nasa table nila Lana. "Hello there, Railey! Salamat naman at okay na ang pakikitungo sa'yo ni Xy." Sabi niya habang yakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam na may kakulitan pala 'tong si Katherina. "Katherina, sigurado ba kayo na okay lang na nandito ako. You know it's just like I don't belong here." Sabi ko. She gently grabbed my chin, "You belong with us. You can call me Rina para medyo maiksi." Nakangiti niyang sabi. "Thanks, Rina." Nakangiti kong sabi. "Sobrang tagal na rin noong nakita namin siya na ganyan. You know, smiling." Sabi ni Rina habang nakatingin kay Xy na kumukuha ng pagkain kasama si George na mukhang inaasar din si Xy. Natawa naman ako sa sinabi ni Rina, "Anong ibig mong sabihin sa sobrang tagal? I mean, he's just an 18 years old man." I chuckled. Tumango-tango siya, at natawa sa sarili niyang sinabi, "Oo nga, tama!" Sabi niya. "Akala ko noong una psycho siya kasi galit na galit siya noong una niya akong makita." Sabi ko kay Rina. Tumawa naman siya, "So far, wala pa naman siyang sinuntok na babae." Sabi ni Rina. Syempre gaya ng karaniwang teenager nanununto din siguro siya ng mga lalaki. Katulad noong araw kung saan niligtas niya ako sa kakahuyan. "I thought he was mute." Natatawang sabi ko. "Ganyan lang talaga siya, tahimik at mapag-isa kaya nga masaya kami ngayon dahil may kasa-kasama na siya." Sabi ni Rina habang nakatingin sa akin. "Hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman para sa isa't-isa pero sa tingin ko hindi ako ang para sa kanya." Sabi ko. She just shrugged, inayos niya ang pag-upo niya nang makalapit na si George, at Xy. "Look who's here..." Romantic na sabi ni George sabay ayos sa buhok ko papunta likod ng tenga ko, "Bella." Naramdaman ko ang pagpula ng buong mukha ko. Ganito ba talaga ang mga Jaymes? Makaluma? Anong Bella? "Bella?" Tanong ko. "Beautiful in Italian." Sabi ni Rina. "Bellisima." Sabi ni Xy habang nakatitig sa akin. "Okay, enough for Italian mode." Sabi ko paano ba naman kasi paano kung minumura na pala ako ng mga 'to? Sinimulan kong kainin ang biniling sandwich ni Xy. Hindi ko alam kung bakit hindi sila kumakain, basta't nag-uusap lang sila. Pero at least hindi sila nakatitig sa akin, at hinayaan ako na kumain ng mapayapa. "Punta tayo sa Huest mamaya." Pag-aaya ni Rina. "That will be fun." Sabi ni George. Tinignan ko si Xy, at mukhang hinihintay niya ang sagot ko. "Sorry, pero hindi ko alam kung saan ang Huest." Sabi ko habang umiiling. "Secret! You'll see later." Sabi ni Rina na tumayo na, at hindi man lang ginalaw ang pagkain. Ganoon din si Xy, at George na hindi man lang kinain ang pagkain na binili nila. Mayaman nga ang mga 'to. Nagsasayang lang ng pagkain. Humiwalay na sa amin si Rina, at George. Samantala pumasok naman kami ni Xy sa subject namin. "Saan yung Huest?" Tanong ko. Ngumiti siya, at tinignan ako. "Nakasanayan naming pumunta doon tuwing hapon pagkatapos ng klase." Sabi niya. Tahimik lang si Xy sa buong oras ng mga subjects namin katulad nga ng sinabi ko akala ko may problema siya sa pagsasalita. Pero sabi ni Rina talagang tahimik lang siya, at mapag-isa. Kaya siguro hindi siya sanay makipagdaldalan dahil sanay siya mag-isa. May isa pang bagay na nakamamangha tungkol kay Xy ay kahit wala ang atensyon niya sa klase, at laging nakatanaw lang sa malayo ay nasasagot niya ng tama ang lahat tanong sa kanya ng mga teacher namin. Para bang napakatagal niya ng nag-aaral at kahit pa tulog siya ay kaya niyang sagutin lahat ng itatanong sa kanya. Sana all matalino na pogi pa. Kinabahan pa nga ako dahil nagreport ako sa social science, at talagang nainis ako kay Xy dahil tahimik siyang tumatawa habang pinapanood kung paano ako manginig, at mabulol sa harap. "Bwisit ka talaga." Sabi ko sa kanya nang makaupo ako pagkatapos ko mag-report. "Bakit?" Natatawa niyang tanong. "Basta bwisit ka." Sabi ko. Agad akong lumabas sa classroom pagkatapos ng last subject dahil hiyang-hiya talaga ako. Actually hindi naman talaga ako kinakabahan, nagpapanic lang talaga ako dahil nakatingin si Xy, at talagang imbes na palakasin ang loob ko ay tinatawanan pa ako habang nagrereport ako. "Railey?" Sabi niya. "Ano?!" Galit na tanong ko. "Bag mo naiwan." Sabi niya sabay abot ng backpack ko. Agad naman akong namula, at galit na hinablot ang backpack ko. Ang laki kong tanga, ang laki ng backpack ko nakalimutan ko pa. "Railey!" Sigaw ni Rina nang makarating kami sa parking lot. "You look angry?" Tinignan ko ng masama si Xy. Nagbigay siya ng inosenteng mukha. "Sakay na." Sabi ni Xy. "Hindi ba pwedeng ako na lang ang magdrive?" Tanong ko. Nagsign si Xy ng "No" habang ginagalaw ang hintuturo niya. Napahalukipkip na lang ako, at umupo sa front seat. Kung hindi lang gwapo 'to sapak sa akin 'to. Pasalamat ka talaga hindi kita kayang saktan. Nagsimula na siyang magdrive, nauuna ang ford ranger na sinasakyan nila George, at Rina. Medyo mabilis na ang patakbo ni Xy nakakaproud yung 70 kmph. Nakita ko ang karatula na nagsasabing "You are leaving Fairfield" ibig sabihin hindi dito ang Huest? Pababa ang daan na tinatahak namin, at unti-unti kong natatanaw ang malawak, at kulay kahel na tubig ng karagatan dahil nagrereflect dito ang paglubog ng araw. Halos 15 minutes lang ang layo nang marating namin ang bayan ng Huest. Unti-unti naming narating ang mabuhangin na parte ng town, papunta kami sa beach. Maya-maya pa ay tumigil na ang sasakyan, at nasa tabi na kami ng palm trees. Lumabas kami sa sasakyan, at naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Umupo ako sa tabi ni Rina, lumapit kasi si George kay Xy kaya naman umalis para magkaroon sila ng heart-to-heart talk. Marunong ba magheart-to-heart talk ang mga lalaki? "Ang ganda rito." Sabi ko. "Dito kami nagpupunta tuwing hapon, siguro nasabi na sa'yo ni Xy." Sabi niya sabay abot ng soda sa akin. "Dito ako unang natagpuan ni Xy." Sabi niya. "Wala akong malay, at sabi nila inanod ako papunta dito. Sinagip nila ako mula sa pagkakalunod. Hindi ko na kilala ang pamilya ko noon dahil bata pa ako tanging pangalan ko lang ang naaalala ko. Sila ang nagpalaki sa akin pero hindi nila binago ang pangalan ko para kung sakaling may maghanap man sa akin makikilala nila ako." Sabi niya habang nakatitig sa malayo. Kaya pala doon siya nakatira sa bahay nila Xy. "Kaso walang naghanap sa akin. Kaya hanggang ngayon nakatira pa rin ako sa pamilya nila. Ayoko na rin naman mahiwalay kay George, at sa buong pamilya nila." Nakangiting sabi ni Rina habang nakatingin kay George, at Xy na palapit sa amin. Niyakap niya ng mahigpit si George, "Ayoko ng iwan ang buhay ko." Sabi ni Rina sabay halik kay George. "Okay, let's give them some privacy." Sabi ni George habang nakatingin sa amin ni Xy. "Kayo ata ang may kailangan ng privacy." Pang-aasar ko. Tumawa lang sila, at umalis para maglakad-lakad. "Alam ko na kung bakit mo ako sinama rito." Natatawa kong sabi kay Xy. "Bakit?" Nakangisi niyang sabi. "Pagod ka na maging third-wheel." Natatawa kong sabi. "Medyo." Natatawa niyang sagot. "Alam mo may nalaman ako." Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakatanaw sa pag-lubog ng araw. "Ano 'yon?" Tanong ko. Kapag tungkol sa katarantaduhan ang sasabihin mo Xy manahimik ka na lang. But then it felt like my heart skipped a beat when I heard what he just said. "Nalaman kong hindi pala malungkot ang paglubog ng araw kung ikaw ang makakasama sa pagnood nito." Same here, Xy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD