MALDIVES ALEX "C'mon babe, you don't have to do that. I'll get onto that tomorrow. Come here." I walked out from the walk in closet to see Philip lounging on our bed lazily. Nakasuot na siya ng isang puting cotton shirt and pajama bottom. Inaanyayahan niya na kong matulog but I still have to finish packing his things. Nakasandal siya sa headboard habang pinapanuod akong magpabalik- balik sa walk in closet dala ang kanyang mga damit. "Just go on and sleep, I'll finish this first." Ibinalik ko ang atensyon sa paglalagay ng mga damit niya sa maleta. Hindi pa siya nakakapag- pack ng mga gamit dahil sobrang busy niya these past few days. Nang ipaalam ko kasi sa kanya ang tungkol sa trip namin to Maldives ay sinigurado niyang matatapos niya ang lahat ng mahahalagang gawain para walang magigi

