LOAP 01

1052 Words
LOAP 01 “Ortega! may bisita ka!" napamulat ako nang marinig ko ang sigaw ng isang pulis na nagbabantay. Binuksan n'ya ang kulungan na aking pinagpipiitan. Lumabas naman ako nang sinenyasan n'ya akong lumabas. Pinasunod n'ya ako papuntang visitor's area. Pagkadating namin doon ay di na ako nabigla kung sino ang bisita. “What are you doing here?" bungad na tanong ko sakanya. "Surprise?" kibit-balikat n'yang sabi, “relax, upo ka muna bro." Sinunod ko ang kanyang sinabi atsaka naupo sa harapan n'ya. Sinamaan ko s'ya nang tingin dahil nakangiti itong nakatingin sa'kin. “So tell me, what are you doing here?" matigas kong tanong. “Bakit atat na atat kang malaman?" tanong n'ya pabalik sa'kin. “At bakit nagtatanong ka kung kailan nagtatanong din ako?" “Edi magtanungan na lang tayo," nakangiti n'yang sabi, sinamaan ko s'ya nang tingin na ikinatawa n'ya. “HAHAHA kahit kailan talaga ang pikon mo bro HAHAHA, I'm wondering tuloy kung kapatid ba talaga kita," sabi n'ya sabay hagalpak ng tawa. “Tumahimik ka tangina mo," nagulat s'ya sa sinabi ko atsaka humagalpak lalo nang tawa. "Wow, first time in my whole life existing narinig kong nagmura ang aking beloved kuya," sabi n'ya sabay ngiting asong nakatingin sa'kin. “Pumunta ka lang ba dito para inisin ako, ha Vin?" seryosong tanong ko sakanya, sumeryoso naman yung mukha n'ya nang marinig ang tanong ko. “Kuya.." mahinang tawag n'ya sa'kin, “Pinapakaelaman ba ni Charm yung kaso mo?" tanong n'ya habang seryosong seryosong nakatingin sa'kin. “Wag ako ang tanungin mo," matigas kong sabi sakanya. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo, tatalikuran ko na sana s'ya nang bigla s'yang nagsalita. “Kuya, galit na si Tita Celeste dahil sa pakikialam ni Charm sa kaso mo, kuya please, pagsabihan mo si Charm," pakiusap n'ya sa'kin. “Don't worry, I will," I said sabay naglakad pabalik sa piitan ko. I'm wondering, bakit parang big deal sakanyang tulungan ako ni Charm, tsk, pero sabagay kung ako yun I don't want to involve Charm here. Pumasok na ako sa loob ng piitan atsaka naupo. “Pst tol," mahinang tawag ng isang babaeng preso, “Palit tayo nang piitan ang lamig dito di ako sanay." Kinunutan ko lang s'ya nang noo at iniwas ang tingin, angganda sana kaso ang siga kung magsalita. “Hoy seen lang kagandahan ko, hoy famous ka? famous?" parang timang na sabi n'ya. Tiningnan ko lang s'ya sandali atsaka nahiga ulit sa higaan. Todo tawag padin s'ya kaso di ko pinapansin. “Hoy pinaglihi sa gatas ng kalabaw, kanding blah blah blah blah blah blah and whatsoever," putak n'ya. Namalayan ko na lang na nakatulog pala ako, ang tahimik ng paligid. Hinay-hinay akong bumangon sa aking pagkakahiga, umupo sa kama. Napatingin ako sa kinaroroonan ng babae kanina. Nakita ko s'yang nakaupo habang nakapikit ang mata. Ang ganda pala n'ya kaso bungangera pero maganda. Bakit kaya 'to nandito? ano kayang kaso nito? Di naman s'ya mukhang mahirap, actually mukha s'yang mayaman. “Tingin-tingin mo?" nagulat ako nang bigla s'yang nagsalita, “gusto mo ko?" tanong n'ya with pangisi ngisi pang nalalaman. “Luh asa ka," sagot ko sakanya atsaka tumingin sa harap. “Parang bakla naman boi HAHAHAHA," hagalpak n'yang tawa, akala mo naman clown yung kausap n'ya. “Akala ko di ka seener ih, sa school kase snober ka hindi ka naman seener," hindi ko narinig yung sinabi n'ya sa huli dahil natuon ang pansin ko sa isang babaeng papalapit. Nakilala ko kaagad ito ng tuluyan ng nakalapit, seryosong seryoso ang mukha na para bang sasabak ng gyera to. “Charm?" takang tawag ko, "anong ginagawa mo dito?" “Bakit? bawal?" taas-kilay n'yang tanong, “Pumunta ba dito si Vin?" seyoso n'yang tanong. “Oo." “Tss, I just want to clear your--" naputol ang sasabihin n'ya nang.. “Miss, bawal makipag-usap sa preso ngayon," biglang singit ng isang bantay. “Pake mo? bakit, kilala mo ba kung sino ako?" taas kilay n'yang sa bantay. “Sino ka ba, Miss?" tanong pabalik nung bantay. “Aba, paattitudan pala ang labanan ah," rinig kong sabi nitong babaeng preso. “Ako lang naman ang babali nang buto mo." “Weh? sa payat mong yan? babali ka nang buto? no way," bawi naman nung bantay. "Aba, aba, sumusobra ka na ah, tandaan mo bantay ka lang dito," pikon na sabi ni Charm. “At sinong nagsabing bantay lang ako dito?" palipat-lipat lang akong tingin sa dalawa. ”Aba, hindi ba?" “Hin--" “Chief Lazaro, nandito lang pala kayo, Oy Charmeng nandito ka pala," bungad na sabi ni Arthur ang isa sa kaibigan ni Charm na pulis dito. “Chief?! sigurado ka Arthur? ha, anyways wala me paki," pagtataray n'ya atsaka humarap sa'kin, “Di na ako makikialam dito sa isang kondisyon," lumapit s'ya sa'kin atsaka bumulong, “wag na wag kang magtitiwala kahit kanino, piliin mo ang mapapagkatiwalaan dahil mahirap na sana panahon ngayon, budddy, iilan na lang mapagkakatiwalaan madami na ang hindi, may tutulong pero hindi ko muna sasabihin sa ngayon, hindi na ako mangingialam, ayokong sirain ang pangako kay Mama pero wag kang mag-alala tutulong ako kapag pwede na." Huling salita n'ya bago umalis, gabi na at di padin ako makatulog dahil sa sinabi n'ya, anong gustong iparating ni Charm sa'kin? “May tutulong pero hindi ko muna sasabihin sa ngayon." Anong ibig n'yang sabihin? May tutulong sa'kin? pero sino? hindi naman pwedeng s'ya, diba? s'ya lang naman yung kakilala na Bestfriend at pinsan kong gustong gusto ipaglaban ang kaso ko. “Hoy! iniisip mo na naman ba si Miss Beautiful? grave ang ganda tol, kung lalaki lang ako, jojowain ko yun," parang timang na sabi n'ya. “Ulol," bigla kong nasabat. “Ayon, pinansin ako dahil sa sinabi ko, selos ka tol," assumerang machine gun pala to, “Syempre sino bang hindi magseselos, jowa mo yun ih," napatingin agad ako sakanya nang nakakunot-noo. “Jowa? Who?" tanong ko habang abot-abot na yung kilay. “Si Miss beautiful," maikling sagot n'ya. Hindi ko s'ya pinansin atsaka naupo ulit sa may higaan ko. “Pero pansin ko magkahawig kayo, pero baka kayo talaga ang magfuture kaya ganun," sabi n'ya with kibit-balikat pa. “Pinagsasabi mo?" tanong ko. “Ayon, pinansin ulit ako HAHAHAHA syempre alam kong magpinsan kayo, lol sa genes at porma pa, magkahawig na magkahawig 'e," she said while smiling. Naiiling na nahiga ulit ako sa higaan ko, she's really a machine gun, annoying and irritating, tss. “Goodnight Mr. Masungit," she said. Tumahimik na ang paligid at di ko namalayang nakangiti na pala ako, and then I fall asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD