Bailey Pov's
"Bailey! Ikaw ulit dj ngayon?." sigaw ni kenzie.
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Agad na akong pumunta sa station ko at naka sunod naman sa akin ang kaibigan kong si kenzie.
"Napapadalas na ata yang pag d'dj mo dito ah? Baka mawalan na ng trabaho yung mga employees mo nyan." pang aasar nito.
"Wala din naman akong gagawin sa bahay kenz, mag aaway lang kami ni papa kapag nandon ako. Ayokong sayangin ang lakas ko dun. Mas okay pa dito, may nakaka usap ako." saad ko.
"Kung makapag salita, akala mo talaga walang babaeng nagkakandarapa sayo sus." asik nito sabay upo sa swivel chair.
I just give her a wink. Well, wala naman akong magagawa dyan. Hindi naman ako ang lumalapit sila yun. Hindi ko na kasalanan yun. Kenzie is my bestfriend, and one of my business partner. Minsan nag pa'part time din sya as dj dito sa station namin.
Nag set up na ako pagkaupo ko sa station, samantalang si kenzie naman ay naka upo lang sa tabi ko. Its sunday night napili kong oras ngayon ay 6pm to 8pm. Madalas yan ang oras na pinipili ko tuwing weekends and after this pumupunta kami ni kenzie sa bar na pag mamay ari nya.
ON AIR:
"Hello everyone, Isang magandang magandang gabi sa inyong lahat. This is your cutie patutie yummy Dj Bailey on air, na maghahatid sa inyo ng kakiligan, kasiyahan at kabadingan. Welcome to sunday night usapan ng mga nag gagandahan at nag gagawapuhang mga bading sa lipunan, dito lamang sa 101.1 the best ka dito!
Mag aantay lang tayo ng caller natin for today sunday? Tawagan mo na ako baka ako na talaga ang hinahanap mong kausap.
------------
Pagkatapos kong mag intro ay agad kong pinatugtog ang Your Man ni Josh Turner, sabay kuha ng tubig. Pag nagkaroon na kasi ng caller mahihirapan na akong tumayo.
"Mga banatan mo talaga bailey, cutie patutie yummy amp." saad ni kenzie.
"Madaming babaeng nababaliw dun, palitan mo na kasi intro mo. Baby babe Dj Kenzie ba naman kasi ang banat mo. Jejemon." pang aasar ko sa kanya.
"Alam mo namang di ko naman ganon ka gamay ang pag d'dj. Hobby lang to. Yung sayo hobby lang dati pero cinarrer mo na. Simula ng makausap mo yang ms ma'am na yan." wika nito.
May nakausap kasi ako last sunday na babae as usual. Her voice is very captivating, nakaka curious. Sa dinami dami ng caller ko dito sa kanya lang ako na turn on. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Pakiramdam ko kailangan ko syang kilalanin. I just smile at kenzie and drink some water.
"Anyways, nalaman mo na ba pangalan ni ms ma'am mo?." tanong nito.
"Actually hindi pa eh, di ko sure if magiging caller ko uli sya ngayong gabi." wika ko naman sabay inom ng tubig.
"Nakakatakot si ms ma'am mo maging caller." bungisngis nito.
"Huh? Bakit naman? Okay naman sya ah." saad ko.
"Wala naman akong sinabing hindi sya okay. Kaya nakakatakot kasi last sunday while you're on air. Hindi ka na tumangap ng ibang caller, for 3 hours kayong dalawa lang ang magka usap. Para kayong nag bebetime on air eh." sabat naman ni kenzie.
"Haha, well hindi mo ko masisisi kenz, masarap kausap si ms ma'am. Magaan lang." saad ko sa kanya sabay harap na uli sa microphone.
ON AIR:
"Im here again baby, your dj bailey. While waiting for our first caller lets go on live. Tumatangap din tayo ng question and answer tonight. Kung hindi kayang tumawag gawan natin ng paraan. I got you. Nga pala im with Dj Kenzie ang baby babe ng 101.1."
---------
Sabay open sa live. Agad namang nag ayos ng itsura si kenzie. Hindi kasi sya handa, akala mo nasa bahay lang kung maka taas ng paa while chewing her bubblegum.
Iba iba ang dj sa station namin. Pero lahat babae, binabae in short mga bading. I opened this station for all of the people na parte ng LGBT community. 5 years na din tong station na to. Halos dito na lahat naglalabas ng sama ng loob, kwento or minsan pag a out nila sa pamilya nila kasi bading sila. Kumbaga naging bading's diary ang station namin.
Im really happy kasi all out ang mga rainbow's wonder pets. Hindi namin or nila kailangan magtago. Kasi bakit diba? Lets be f*****g real minsan ang mga bading mas kaya pang manindigan kesa sa tunay na lalaki. We dont judge men, we're just being honest.
Yes, we are women and we can do what men can do. Baka nga mas magaling pa. Hindi na din bago sakin ang mga judgemental na mahihina ang utak, minsan ang madalas ay puro lalaki. Binigyan na nga ni lord ng dalawa ulo hindi pa ginagamit ng tama tsss. While checking on live dahil wala pa namang caller ay madami na din ang nag co'comment and one of the comment got my attention.
SamxXx Fernandez
"Hi? Open kayo for caller. A little bit stress need mag labas ng sama ng loob.
---------
Her name is familiar. Parang narinig ko na nuon. I grab my mic para masagot ang tanong ni sam.
ON AIR:
"May isang commenter tayo guys na ang pangalan ay SamxXx Fernandez. Bakit ang daming x nyan ms sam. Nakakatakot ka namang mahalin pag ganyan. (laugh sound effect)
Yes ms sam open po tayo sa caller, im just waiting. Baka ikaw na talaga ang inaantay ko."
-------
Ilang minuto lang ay natangap ko na ang ring ng phone. Kailangan kong patayin ang live since sa phone ko naka salpak ang sim ng station. Not my personal number. Number talaga sya ng station. Ako lang ang naghahawak since ako lang naman ang may segment na ganito. Yung iba kasi podcast, kantahan at kwentuhan ang ginagawa nila. While me here nakikipag interact sa mga caller or commenter. Agad ko ng sinagot ang unang caller and for sure si Ms Sam to.
ON AIR:
"Hello binibini, ano ang mapaglilingkod sayo ni Dj Bailey?"
"Mmm i dont know medyo pagod lang ako." wika nito.
"Your voice sounds familiar. Nagka usap na ba tayo noon? Tyaka saan ka napapagod? Gusto mo ba puntahan kita?." (laugh sound effect)
"Pupunta ka?." saad nito.
"Jk lang Ms, masyado kang seryoso. Pwede ka ng mag open up."
----Mahirap pala talaga makipagbiruan sa pagod nakakatakot.
"Dj bailey, you use to call me Ms Ma'am. Nasan yung ma'am bakit ms lang?." wika nito.
----Natulala ako sa pag sagot nya sakin. Damn si ms ma'am pala to. Agad na napatingin din si kenzie sa akin na kanina ay naglalaro lang. Curious na din kasi sya kasi kay ms ma'am.
"Anyways nagbago na isip ko. Hindi pala magandang i-open up yun on air. Magte text na lang ako back to work na muna thank you sa time Ms Bailey." saad nito sabay end call.
-
---Sam Fernandez pala ang pangalan ni ms ma'am nice name.
"Okay babies mukhang hindi maganda ang pakiramdam ng first caller natin kaya mabilis na natapos. Balik live lang tayo hanggang mahanap natin ang 2nd caller tonight. For now here is Bubbly Song for all of you. Again this is your cutie patutie yummy Dj Bailey, dito lamang sa 101.1 the best ka dito!"
------------
After kong mapa tugtog ang bubbly ay agad kong tinungo ang f*******: para hanapin ang sss ni ms ma'am this girl really have something. Hindi ako yung tipong naghahanap ng babae or nag iistalk pero ng nakausap ko to iba talaga ang atake. Nilalamon ako ng curiosity, pero pagdating ko sa acct nya wala akong nakita. Sobrang casual, hindi kagaya ng ibang babae na naghahabol sakin. Puro show off sa socmed. Sabagay maganda din naman talagang na cha challenge ka sa babae kesa sa mga babaeng mabilis bumigay.
🌈🌈🌈