Kier NAPAKASARAP marinig ang matamis niyang boses habang binibigkas niya ang aking pangalan. “Kier...” Nagkadikit ang aming mga katawan at ang kanyang kamay ay hinahaplos ang aking balikat papunta sa braso ko at papunta sa aking kamay. “Gotcha!” sabi ni Valerie nang bigla niyang kunin mula sa akin ang heart-shaped na seashell. Humiwalay siya sa pagkakayakap. “Dragons win!” sigaw niya na tuwang-tuwa pa. “What the? You tricked me, I found it first! Ang daya mo!” giit ko. “Wala na, nasa akin na, eh.” She waived at her teammates to call their attention. Kahit wala namang tumingin sa kanya dahil na sa malayo sila. “Guys! We won!” Ang daya pero sige na nga pagbibigyan ko na lang. “Wait, Valeng. I found it first, does that mean na panalo ako sa pustahan natin?” Tumahimik siya saglit at n

