Four months ago… Valerie BUMITIW si Shane sa pagkakayap sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at tumitig siya sa mga mata ko. “Val, I am sorry for leaving you. Sorry for pretending that I didn’t even know you. Masakit para sa akin ang lahat ng ginawa ko sa `yong pagpapahihirap. Pinagsisisihan ko talaga ang lahat. “Val, naaalala mo ba si Mr. Valdez, `yong manager na kumuha sa akin sa bar?” Tumango ako habang nakatingin lang sa kanya at handang makinig. “Ikinuwento sa akin ni Miss CJ ang lahat ng tungkol sa lalaking iyon at kung ano’ng pakay niya,” sabi ni Shane. “He’s a damn pervert! Noong nag-uusap sila ni Miss CJ sa bar, he was trying to take you as his talent then soon as his s*x slave. Sobrang lakas ng tama niya sa `yo n’on. And he even told us that he will do everyth

