Valerie SANDALING huminto ako sa pag-iyak nang lumapit sa akin ang isang babae. Iniabot niya sa akin ang isang puting panyo. “Heto, o.” Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, kinuha ko naman ang panyo dahil basang basa na rin ang mukha ko dahil sa pag-iyak. “Is it okay if I sit behind you?” tanong niya. May upuan din kasi sa likuran ng kinauupuan ako. Tumango na lang ako. Dahil okay lang naman talaga, saka ginamit ko na rin ang panyo niya. Nahihiya ako dahil hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang panyo. Nilingon ko ang babae pero nakatalikod siya sa akin. Parang deretso lang ang tingin niya kaya hindi ko makita ang mukha. Nakaputing sleeveless dress siya, mahaba ang buhok na kulay-brown, at ang puti ng balat. “I know this is a bit stra

