Kier NAGULAT ako. Iyong sinasabing anak ni Kuya Gilbert ay iyong babaeng nakahanap kay Pogi sa airport at iyong babaeng nakaalitan ko noon. Sa hindi malamang dahilan, makita ko lang siya ay kumukulo na agad ang dugo ko sa inis. “Akalain mo `yon? Si panget pala `to, eh,” sabi ng anak ni Kuya Gilbert. “Nasaan si Pogi?” tanong pa niya. Aba! Makapang-asar ito. Akala naman niya, maganda siya. Pero wala na akong oras para makipagtalo pa. “Tulog si Pogi at wala akong oras makipag-asaran sa `yo. Sumakay na tayo sa taxi at ihatid mo na `ko.” inis kong sabi dahil late na talaga ako. “Aba, teka lang!” sabi niya at biglang sumakay sa driver seat. “Good girl!” sabi ko naman at sinubukang buksan ang pinto sa passenger seat pero naka-lock iyon. Kinatok ko ang bintana para sabihing dapat niyang bu

