NAKAHINGA ako nang maluwag nang makita si Jana na palabas ng pinto. Kahit naka-panjama na, ang cute-cute pa rin niya.
Lumapit siya sa amin. Una niyang binati si Pogi. Nakita niya ang tatlong pirasong sunflowers na kagat kagat ng aso. “Hi, Pogi! Is that for me? Ang sweet naman ng baby doggy,” sabi niya at hinaplos si Pogi. Kinuha rin niya ang mga sunflower.
“Uhm.. Hi, Jana!” bati ko, saka sumilip sa likuran niya. “Nandiyan ba ang mama mo?”
Masungit akong tiningnan ni Jana. “Si Mama pala ang ipinunta mo dito, eh. Bakit tinawag mo pa `ko?”
“Jana, naman, hindi. Naniniguro lang kasi sabi mo strict sa `yo si Tita, eh. Baka magalit siya sa pagbisita ko,” paliwanag ko.
“Huwag kang mag-alala wala si Mama. Ako lang ang nandito. Mamaya pa ang uwi niya,” sabi ni Jana.
“Uhm... nagustuhan mo ba `yong kanta namin ni Pogi?” nahihiya kong tanong.
Natawa naman si Jana. “A for effort. Kaso nagising mo `yong kapitbahay namin.”
Napangiti naman ako dahil mukhang na-appreciate naman niya iyong ginawa ko.
Inamoy niya iyong sunflower bago nagtanong. “Bakit sunflower `yong ibinigay mo?”
Naku! Hindi ko puwedeng sabihin na wala nang ibang bulaklak kaya sunflower na lang. Improvise Kier, Improvise!
“Kasi... you’re my sunshine even at nighttime,” sagot ko.
Nakita ko naman sa mukha ni Jana na parang kinilig siya. Napangiti kasi siya at namula ang mga pisngi.
Kinuha ko naman ang pagkakataon para makapag-sorry. “Jana, I’m so sorry for what happened earlier. Nakita ko na kung saan ako nagkamali. It’s my entire fault, I should have showed you kung ano talaga ang kaya ko, kung ano talaga ako. Sorry kung inisip ko na gusto mo ang mga mamahaling bagay. I should have seen noon pa na hindi ka katulad ng iba, para sa akin wala kang katulad. Will you give me another chance para i-date ka uli?”
Natahimik si Jana, parang nabigla sa sinabi ko. Napabuntong-hininga siya, mayamaya at ngumiti. “Sige na nga, pasalamat ka may pogi kang kasama. When?”
“Ngayon na.”
Nabigla siya. “Huh? Naka-panjama na kaya ako. Saan ba tayo pupunta?” tanong niya.
“Just come with me. I promise that you won’t be disappointed,” sagot ko at iniabot ang kanang kamay ko sa kanya.
Humawak naman agad siya sa kamay ko. “Sige na nga. But I only have an hour bago makauwi si Mama, ah.”
“Sapat na ang makasama kita. Hindi importante kung gaano katagal,” sabi ko at nginitian siya.
Hinubad ko ang suot kong blazer at ipinasuot kay Jana para hindi siya lamigin. Ayos lang naman dahil may T-shirt pa ako.
“Ano, tara na?” tanong ko at tumango naman siya.
Tumakbo na kami. Hawak ko ang kamay ni Jana habang sa kabila naman ang tali ni Pogi. Kitang-kita ko sa mukha ni Jana na masayang-masaya siya. Dinala ko siya sa apartment building kung saan ako nakatira. Dumeretso kami sa unit ko at binuksan ko ang pinto.
“Teka, Kier, ang bilis naman. Bakit dinadala mo ko agad dito sa unit mo?” nag-aalalang tanong ni Jana.
Natawa ako. “Wait here. Hawakan mo muna si Pogi.” Sinabihan ko siyang maghintay muna roon.
Ilang saglit pa, lumabas na ako na may dalang kumot at emergency lamp. “I just have to grab these.” Natatawa pa rin ako. Baka kasi inisip ni Jana na may masama akong balak sa kanya kaya dinala ko siya sa unit ko.
Sumakay kami sa elevator papunta sa tenth floor ng building. Then we took the stairs to reach the rooftop.
Nang makarating, inilatag ko ang kumot sa sahig at isinetup ko ang lamp. I lay down and asked her to do the same. Humiga siya sa tabi ko at pinanood namin ang langit na punong-puno ng magagandang bituin.
“So, this is the real you, huh?” tanong ni Jana, mayamaya.
“Yep,” sagot ko na may kaunting pagmamayabang.
“Thank you, Kier. This is so wonderful,” sabi niya.
Kitang-kita sa mukha ni Jana ang pagkamangha niya sa mga nakikita. `Buti, nakisama ang panahon. Napakaganda ng mga bituin sa langit.
Tinitigan ko siya habang nakatingin pa rin siya sa langit. Napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya. “Kier, naman, eh. Doon ka tumingin, o.” Itinuro niya ang mga stars. “Ang gaganda kaya ng mga stars,” dagdag pa niya.
“Mas maganda ka kasi sa mga stars, eh,” banat ko.
Ngumiti si Jana. Namula ang mukha. “Kasi naman, Kier.” Hiyang-hiyang tinakpan niya ang mukha ko.
Natawa naman ako. “Sige na nga. Nood na tayo.”
Pinanood namin ang mga bituin sa langit. She and I pointed on stars, create shapes out of it, and even made stories about it. We spent the rest of the hour staring at the stars, talking, and laughing.
That night, lalo kong nakilala si Jana. At lalo akong nahulog sa kanya.
Bago pa man makauwi ang mama niya, minabuti kong ihatid na agad siya. Iniwan ko na lang muna si Pogi sa apartment ko.
“THANK you for this night, Kier. Nag-enjoy ako,” sabi ni Jana nang makarating kami sa bahay nila.
“Wala `yon. Sana napasaya kita ngayon,” sagot ko.
“More than happy,” sabi niya at nginitian ako. “Parating na si Mama, I have to go inside, and you have to go. Mag-iingat ka, ah?”
“Yeah. Good night, Jana.”
“Good night, Kier,” sabi niya at bigla akong binigyan ng kiss sa cheeks.
Nabigla ako. Agad naman siyang tumakbo papasok sa bahay nila. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko expected iyon, ah?
One point! sabi ko sa sarili ko.
Abot-tainga na naman ang ngiti ko. Umalis ako agad at umuwi na. Pagpasok ko sa apartment, itinaas ko ang mga kamay ko na parang nagkampeon sa boxing. Tuwang-tuwa naman si Pogi. Mukhang ramdam din ng aso ang saya na nararamdaman ko.
Dumeretso ako sa kama dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Habang nakahiga, bigla akong nakatanggap ng text message mula kay Jana.
Jana: Kier, nakauwi ka na ba? I can’t sleep hangga’t hindi ka pa nakakauwi.
Me: Hi, Jana. Just got home. Thank you for giving me another chance tonight. Sobrang saya mong kasama.
Jana: It’s worth it. Thank you so much. Good night.
Me: Good night.
Sobrang saya ko ngayong araw kaya nakatulog ako nang may ngiti sa mga labi.
DAHIL nag-aaral ako, weekends lang kami kung magkita ni Jana sa park pero nagpapalitan kami ng text messages sa isa’t isa. Every weekends, nasa park kami kasama si Pogi. Minsan naman, kumakain kami sa simpleng restaurant. Nagpunta rin kami sa isang amusement park, nagsimba, nanood ng sine, at nagpunta sa museum. That’s what we did for two months.
May time din na nag-karaoke kami. Doon ko nalaman na hindi lahat ng maganda, maganda rin ang boses. Ang pabebe ni Jana kapag kumakanta, medyo sintunado. Pero kahit na ganoon, gustong-gusto ko pa rin siyang pinapanood.
“Wow! Ang galing naman kumanta. Parang original!” pang aasar ko sa kanya, one time nang mag-karaoke kami.
“Weh? Binu-bully mo lang ako, eh. Pero hindi nga, nagustuhan mo ang kanta ko?” tanong niya.
“Oo, panis sa `yo ang mga artist,” sagot ko. Sabi nga nila, kapag mahal mo, suportahan mo.
Kinagabihan pag-uwi namin galing ng karaoke hub, pinadalhan niya ko ng voice message sa sss. Pinadalhan niya ko ng recording ng kanta niya. I played the voice message and listened to it.
“Wake up feel the air that I’m breathing. I can’t explain the feeling that I’m feeling. I won’t go another day without you...Without you.”
That was the most pabebe song I have ever heard in my life. Pero ang cute talaga ng boses ni Jana. I saved the voice mail in my phone. Nag-reply rin ako sa kanya.
Me: Wow! Ang cute mo talaga.
Jana: Hahaha. Hope you liked it.
Me: Just saved it and will listen to it when I’m missing you.
Jana: Sweet!
Present time
AND THAT’S how I met her. How our first date went, and how we get to knew each other more.
Natigil ang kuwentuhan namin ni Jana sa phone nang mapansin kong kapag hindi pa ako naligo at nagbihis ngayon, siguradong late ako sa klase ko.
“Sige na, my love, kailangan ko nang pumasok sa school. Mamaya na lang uli, ah?”
“Sige ingat ka. Aral mabuti,” sagot ni Jana sa kabilang linya.
“Opo. I love you,” sabi ko.
“I love you more, Kier. I miss you so much,” sagot niya.
Nagmadali akong naligo at nagbihis pero mukhang male-late talaga ako. Naalala ko si Kuya Gilbert, iyong taxi driver last night. Tinawagan ko siya para magpasundo. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating na si Kuya Gilbert. Kinuha ko agad ang mga gamit ko. Iniwanan ko rin ng pagkain at tubig si Pogi. Agad akong sumakay ng taxi ni Kuya Gilbert paglabas ko ng apartment.
“Sir Kier, kumusta na po?” bati ni Kuya Gilbert sa akin.
“Heto, Kuya, male-late na,” sagot ko.
“`Wag kang mag-alala, Sir. Kapag ako ang driver, hindi ka male-late.”
“Sige, Kuya, may tiwala po ako sa `yo,” nakangiting sagot ko.
Nagmadali si Kuya Gilbert sa pagmamaneho pero hindi sa delikadong paraan. Wala rin naman siyang nilabag na traffic rules. Hindi nga siya nagkamali, nakarating ako sa school on time.
“Salamat, Kuya. Sa susunod uli,” sabi ko, saka iniabot ang bayad at bumaba na ng taxi.
“Sige po, Sir. Tawagan n’yo lang po ako `pag kailangan n’yo uli,” sabi pa ni Kuya Gilbert.
Agad na akong pumasok sa gate para masigurong hindi ako male-late.
LUMIPAS ang mahabang araw. Natapos ang lahat ng mga klase na dapat kong pasukan. Umuwi agad ako sa apartment. Hindi kasi ako mahilig gumimik or makipagbarkada kaya nasabi ng mga kakilala ko na medyo antisocial daw ako.
Pero noong high school, kasali ako sa isang banda bilang gitarista. Ewan ko ba, basta pagpasok ko bilang Law student, mas pinili ko nang mapag-isa para makapa-focus. `Buti na lang din, nakilala ko si Jana noon. Binigyan niya ng kulay ang mundo kong black and white.
Pag-uwi ko, inasikaso ko muna si Pogi. Pagkatapos, nag-text ako kay Jana para kung hindi siya busy ay makapagkuwentuhan uli kami.
Me: My love. Nakauwi na ako. Busy ka ba? Tawag ka sana uli. Tuloy natin `yong kwentuhan natin kanina.
Jana: Hi, my love. I have been waiting for you. May good news ako sa `yo.
Me: Talaga? Ano `yon?
Jana: Start na ng project ko next week. But the bad news is, magiging busy na ako masyado sa work baka madalang na tayong makapag-usap.
Me: Jana, naman. I completely understand why you’re there. Go for, it my love!
Jana: Thanks, my love. Sige tawag ako uli. Gusto ko alalahanin kung paano mo ko napasagot.
Me: Hahaha. Sige ang galing ko pa naman no’n.
Jana: Hahaha. Talaga lang, ha? Sige, tatawag na `ko.