Kinagabihan ay naging tagumpay ang nangyaring auction. Sold out lahat ng mga bahay sa halagang lagpas sa inaasahan namin at ngayon ay nagkasayahan na lamang ang mga bisita. Karamihan sa nakabili ay high profile environmentalist na espesyal kong mga panauhin ngayong gabi. Sa dami ng mga bumati sa'kin at kumausap ay nawaglit sa isipan ko si Tito Earl at naalala ko lang siya nang isang tapik sa braso ang nakuha ko mula sa kanya. "Tito, you're here. Kailan ka pa dumating?" nakangiti kong bati sa kanya. Napataas ang kilay ko dahil may kakiba ngayon sa kanya. Nagmukha siyang haggard at kapansin-pansin ang di maayos na pagkakasuklay ng buhok niya. "Nagkaproblema lang sa isang branch ng kompanya ko," lukot ang mukhang sagot nito. "Congratulations pala, you've done something great in here,"si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


