KLP: CHAPTER SEVEN

1789 Words
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING THERE?" Halos magdikit na ang kilay ni Princess sa inis. Muli pa niyang pinagmasdan ang laptop, tama naman ang tinawagan niya, she even checked it for the nth time. Pangalan ng mama niya ang tinawagan pero bakit 'iba' ang sumagot? "Answer me, Drew, what are you doing there?" Muling ungos ng dalaga. Kakatapos niya lang maligo at makapagbihis. Hindi agad siya makakapasok sa museum dahil kaylangan niyang pumunta sa University para magpasa ng Narrative report. "Chill, Princess. Umagang umaga riyan, galit ka na agad." Tumawa pa ang binata. Gustong gusto nang patayin ni Princess ang video call pero kaylangan niyang kausapin ang magulang niya. Kaya laking inis niya dahil asungot ang bumungad sa kanya. "Paanong hindi ako magagalit, mama ko ang ineexpect kong sasagot sa tawag ko. At tsaka, anong ginagawa mo riyan?!" Pinilit pa niyang kumalma pero hindi niya nagawa. Hindi pa rin mawala ang inis niya. Pakiramdam niya ay nanumbalik ang galit niya dalawang taon na ang nakalipas. "I'm living here. Kapitbahay ko sila Tita. And you know me, mahal na mahal ako ng mga magulang mo." "Yeah, right." Labas sa ilong na anas ni Princess. Si Drew Samonteza ang nag-iisa niyang ex-boyfriend. Kahit na break na sila nito ay close pa rin ito sa mga magulang niya. At ngayon, kapitbahay pa talaga nila ito sa Canada? What the hell? "So bakit ikaw ang sumagot sa tawag ko? Asan sila mama?" Inis na tanong ni Princess. Sa totoo niyan, ayaw pa niyang makausap ang ex. Simula noong nagbreak sila ay ngayon lang sila muli nag-usap. Ang mas nakakainis pa rito, parang wala lang nangyari. Inis na inis pa rin siya samantalang ang magaling niyang ex ay pa-cool kid pa rin hanggang ngayon. "Umalis sila Tita. Nagkataon naman na andito ako kasi nagbobonding kami kanina, tapos nakita kong tumatawag ka kaya sinagot ko na lang." "Dapat ay hindi mo na lang sinagot." "Aray naman, Princess," umakto pa itong parang nasasaktan. "Don't you miss me? I miss you so much. It's been two years." Halos magmura si Princess dahil sa sinabi ng ex niya, "Kapal mo, Drew. Wala kang karapatang mamiss ako, gagó." Hindi na niya napigilan ang sarili. Hindi rin niya namalayang may munting luha na pumatak mula sa mata niya. Drew was her perfect boyfriend. Akala niya lang ay perfect. Everything about their relationship is perfect. Ika nga ng mga kaybigan nila "relationship goals" daw. But s**t happened. Nakipag hiwalay ito sa kanya sa mismong birthday niya. Reason? Hindi pa raw ready. Marami pa raw silang mapagdadaanan. Napakaraming rason ni Drew, ang gusto lang naman ay makipaghiwalay. Ang hindi niya lalo maintindihan, bakit kahit anong paliwanag ng binata, hindi na kayang tanggapin ng puso niya. Samantalang nagawa itong patawarin ng mga magulang niya. Dahil ba family friend namin ang family nila Drew? I don't know anything anymore. "I'm sorry, Princess." Maya maya'y anas ni Drew. Pilit na tumawa si Princess at saka umiling. "I don't need it, Drew. Goodbye." Anas niya at saka inoff ang video call. Muli niyang pinunasan ang luha at saka huminga nang malalim. Nang kumalma, tsaka lang kinuha ang folder ng Narrative report at saka lumabas ng bahay. Nang makalabas ay pinara ni Princess ang tricycle na nakaparada sa kanto malapit sa bahay nila. Ilang minuto lang naman ang layo ng Fier Kai University kung saan siya nag-aaral. At gaya nang nakasanayan, magandang ambiance ng University ang bumungad sa kanya. Walang sinayang na oras si Princess, agad siyang nagtungo sa office ng dean ng department nila para ipasa ang Narrative. Saglit lang din silang nag-usap ng dean at ng staff ng school tungkol sa OJT nito, matapos non ay masaya na siyang nagpaalam sa Dean nila. Huh? Naningkit ang mata ni Princess. Hindi niya alam kung pinaglalaruan lang siya ng mata niya o kaya ay tama ang nakikita niya. Sir King? Nang maka-ilang hakbang palayo sa opisina ng dean, nakita niya ang bulto ng isang familiar na tao. O sadyang imahinasyon niya lang ito? "Sir King!" Pasigaw na anas ni Princess. Sa pagkakataong ito ay hindi siya puwedeng magkamali. Kahit na ilang office ang layo, alam na alam niyang ang boss niya ang nakikita niya. Mula sa tindig nito ay siguradong sigurado na siya. "Anong ginagawa mo rito, Sir?" Agad na tanong ni Princess na halos manakbo na palapit sa boss. Pakiramdam niya ay nabuo ang araw niya. Hindi siya ganito dati. Pero pagdating sa boss niya, parang gayuma na lang ang lahat dahil kahit simpleng makita niya lang ito ay kuntento na siya. "Pinakita ko lang yung pictures ng mga bagong dating na painting kay Trick. Alam mo na, malapit na ang educational tour ng University, kaylangang makita 'yon ng kapatid ko." Anas ng binata at saka pa itinuro ang dulong office. Ang office ng President ng school nila. Tumango si Princess at saglit na sumulyap sa dulong opisina, "Kapatid niyo nga pala si Sir Trick." "Yup." Nakangiting sagot ni King at saka pa ngumisi. Inilagay pa nito ang kamay sa bulsa kasabay nang saglit na paglinga sa paligid. "Why are you here?" "Nagpasa lang akong Narrative kay Dean." Muling tumango si King, "Kaya pala hindi kita nakita sa museum kanina." Hinanap niya ba ako? "Hmm," simpleng ngumiti si Princess. "San ka na nito, Sir? Babalik ka na sa museum?" "Sana? How about you?" "Babalik na rin." Maya maya'y natigilan si Princess, "Uhm, Sir, about last time, ayos ka na ba?" Saglit pa siyang napapikit. Huli na nang marealize kung anong tinanong sa boss. Pakiramdam niya ay maling nagtanong siya. Well, mali naman talaga...ata, ewan. Napansin din niya na natigilan ang boss. Mas nagsisi tuloy siya dahil sa naitanong. "I'm fine." Anas nito at saka pa kinamot ang kanang kilay. Lie. Dahil na rin siguro sa pagkagusto kay King, pati ang body language nito ay nalaman na niya. At sa pag-oobserba sa binata, nagsisinungaling ito sa tuwing kinakamot nito ang kanang kilay. Pilit siyang ngumiti, "Iyon palang tungkol kay Admin--" "I don't wanna talk about her. I am fine but I don't want to say or hear her name. I'm moving on, right?" Ngumiti ang binata, "Sabay na tayong pumunta sa museum?" "S-Sige, Sir." Tumango pa si Princess. She-who-must-not-be-named. Okay. "A'right. Let's go." Anas ng binata at saka pa humawag sa braso ni Princess. Bahagya niya ring hinila ito na ikinabigla ng dalaga. Ilang beses pa kumurap si Princess habang nakatingin sa kamay ng boss niyang nakahawak sa braso niya. Ilang mabibilis na hakbang rin ang ginawa niya dahil halos makaladkad na siya sa laki ng hakbang ng binata. "DO YOU WANT to eat first?" Muli ay natigilan si Princess sa tanong ni King. Kakasakay pa lang nila sa sasakyan at ito ang tanong na bumungad sa kanya. "Sir?" "Let's eat breakfast." Ngumiti ito, "Maaga pa naman." Gustong kumontra ni Princess sa huling sinabi nito. Hindi niya alam kung saan nito nakuha iyong "maaga pa naman" dahil kung ang oras ng pasok niya sa museum ang pagbabasihan, ilang oras na siyang late. Anyway, ayaw naman niyang masira ang mood nilang dalawa kaya buong puso siyang pumayag sa alok ng boss niya. At isa pa, pabor sa kaniya ito dahil kahit hindi aminin, alam niyang gusto niyang makasama ang binata. "Where do you want to eat?" Tanong ng binata nang magsimulang paandarin ang sasakyan. Saglit na nag-isip si Princess, agad na lumawak ang pagkakangiti niya nang maalala ang pagkain na namimiss na niya dahil sa kawalan ng oras para bumili nito. "Pwede bang sa McDonald's tayo magbreakfast?" "Huh?" Sumulyap pa sa kaniya si King at muling nagfocus sa pagddrive, "Oo naman, kahit saan mo gusto." "Yey! Miss ko na kasi ang pancakes sa mcdo." "Pancakes?" Saglit na natigilan ni King kasabay ang pagtigil din ng sasakyan. Naguguluhang tumango si Princess. "Yeah Pancakes. Miss ko na kasi yung Hotcakes with Sausage Meal with Hashbrowns sa McDonald's. Why, Sir?" Natatawang umiling si King. Saglit pa nitong pinisil ang tungki ng ilong ni Princess na ikinagulat ng dalaga. "You like pancakes too. Wow." "Favorite mo rin yon?" "Uh? You can say that." Mababang sagot nito at saka muling pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa pinakamalapit na McDonald's. Mas natawa si King nang agad na bumaba si Princess at saka pa parang batang tuwang tuwa nang makapasok sa McDonald's. "You seemed very happy." Pagpuna ni King. Nakangiti namang tumango si Princess, "Masyadong maaga ang pasok ko sa Museum kaya bihira na lang akong makapunta rito. Hindi rin naman ako makapagluto ng pancakes na kasing sarap ng pancakes dito." "I see." Muling natawa si King dahil sa nakangusong si Princess. "I can teach you how to cook if you want." "Marunong naman ako. Hindi ko lang talaga magaya yung lasa ng pancakes dito." Tumawang muli si Princess. "Order na tayo, Sir." "Sure." Anas ng binata. Samantalang naghanap na ng pwesto si Princess at saka doon na lang hinintay ang boss niya. Muli siyang napangiti nang makitang papalapit na ang boss dala ang inorder nito. "Whew. So much joy, eh?" Anas ni King nang makaupo sa tapat niya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." "Really?" Tumango si Princess, "just because of these pancakes?" Umiling ang dalaga, "Aside from pancakes, masaya rin ako kasi after two years may kasabay na ulit akong magbreakfast sa paborito kong lugar." "Ohh," anas ni King. "From now on, I'll join you. Sasabayan na kitang magbreakfast sa paborito mong lugar at baka umiyak ka pa." Pagbibiro nito dahilan nang pagnguso ng dalaga. "Inaasar mo 'ko." Muling lumabi si Princess. "Nope. I'm serious." "Oh, okay." Ngumiti si Princess, nilagyan ng syrup ang pancakes at saka muling bumaling kay King, "Let's eat, Sir. And Promise? Sasamhan mo na ako lagi?" I'm so lucky. Damn. "Yup." "Thank you, Sir! Hindi na ako tatamaring magbreakfast." Muling tumawa si Princess, "Minsan kasi ay nalulungkot akong magsolo kaya minsan, hindi na rin ako nagbbreakfast." "What?" Kunot noong tanong ni King, "You skip breakfast?" "Uh-uh?" "Do you have any idea that breakfast is the most important meal of the day?" Kunot noo pa ring tanong ni King. "A-alam ko." "And you still skip it." Salubong ang kilay nito at saka pinitik ang noo ni Princess. "Sakit." Anas ng dalaga kasabay ang paghimas sa noo. "Why did you do that?" "Punishment?" Ngumisi ang binata. "Alam mo ba kung bakit breakfast ang tawag sa breakfast?" "Hindi. Bakit?" "Kaya ito tinawag na breakfast ay dahil kailangan mong i-break yung fasting mo nang natulog ka." "R-really?" "Yeah." Tumawa ang binata, "Now, eat your food nang makapasok na tayo sa museum." At kagaya nang sinabi nito, masaya nilang pinagsaluhan ang "breakfast" nilang dalawa. Ilang minuto rin silang nag-usap at saka napagdesisyunang pumasok na sa museum. Now, my breakfast will be more fun because of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD