CHAPTER ONE

1733 Words
"PS, BAKIT ba tulala ka na naman dyan?" Nawala sa pag-iisip si Princess nang sumulpot ang kaybigan nyang si Natee. Inaayos nya ang mga bagong papers na galing sa iba't ibang school para sa darating na educational tour. Matagal pa naman iyon pero ang gusto kasi ng head admin nila ay asikasuhin agad para hindi sila makapos sa oras. Ngayon ay ang ika-tatlong linggo nya bilang intern sa Museum na pagmamay-ari ni King Ricafranca. Isa sa pinakasilat na personalidad sa Laguna. "May iniisip lang ako." Sagot nya sa kaybigan. Si Natee ay classmate din nya sa Fier Kai University at kagaya nya ay ito na ang huling semester nila sa College at pareho nilang napagdesisyunan na dito sa Museum sila mag-OJT. "Ano na naman ba 'yon?" Tumawa ang kaybigan. "Love life?" Pagbibiro nito. Kung love life nga bang maituturing. "Alam mo namang wala akong panahon para sa ganyang bagay kaya malabong love life 'to." Sagot na lang nya sa kaybigan at tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa. Masyadong masakit sa ulo ang trabaho nya. Paano ba naman, apat na school ang nag inquire na magkakasabay sa parehong araw na bibisita sa museum nila. Okay lang naman kung maraming studyante, malaki naman ang museum kaya magkakasya ang lahat. Ang pinoproblema lang nya ay kung sino ang magtu-tour sa lahat. Natigil ang pag-uusap nila sa Presidential Area nang pumasok ang isa nilang kasamahan, Si Angela na ngiting ngiti nang makita sila. "Princess Scarlet Nase, guess what!" Kinikilig na wika ni Angela. "What?" She asked. Kumunot naman ang noo ni Natee. "The boss is here!" Ngumiti pa ito na ikinatigil ni Princess. He's here? Agad na bumulis ang pagtibok ng puso nya kasabay ang pakiramdam na para ba syang pinapawisan. Nooo! Hindi pwede! Ayokong makita si Sir King! Aniya sa sarili. Hindi pa rin nya kayang harapin ang boss nya simula nang mangyari ang kasal ng head admin nila. "Bakit ang agang dumating ni Boss? 'Di ba hapon lang sya napunta kapag kinakaon si Admin? At saka wala kaya ngayon si Admin." Takang tanong ni Natee pero hindi sumagot si Princess. Akala nila ay ang boss nilang si King Ricafranca ang asawa ng head admin nila dahil ito ang lagi nitong kasama. Ang boss din nila ang laging naghahatid at sumusundo sa anak ng admin nila kapag napasok ang bata sa school. At kaya rin inisip nila na ito ang asawa nito ay kamukhang kamukha ng boss nila ang anak ng head admin nila. Iyon pala ay kakambal lang ng boss nila ang asawa ng admin. "Ewan ko ba ron kay Boss. Tsaka kahit sya ang may ari ng museum na 'to ay bihira syang magtagal dito."ngumiti si Angela at tsaka tumingin sa kanya, "Baka may sadya?" Tumawa pa ito nang nakakaloko na mas lalong ikinalito ni Natee. Halos lahat ng employee at intern ng museum ay umattend sa kasal ng admin nila, pero isa si Natee sa kakaunting hindi nakapunta kaya hindi nya alam ang nangyari kila Princess at sa boss nila. "Magtrabaho na nga lang tayo. Masungit pa naman iyon." Umiling pa sya. Actually, hindi nila alam kung anong ugali mayroon ang boss nila dahil bihira nila itong makasama. Tinuloy na nila ang kanilang trabaho. Ang maganda sa OJT nila ay sinuswelduhan sila ng museum, sa ibang offices kasi ay hindi nagpapasweldo sa mga interns. Saktong alas dose ng tanghali nang matapos sila sa kanilang ginagawa. Agad namang nagyayang kumain sa labas si Natee na laging ginagawa ng binata sa tuwing lunch break. "Grabe yung mga bagong dating na paintings galing Denmark. Hindi ko kinaya ang ganda." Manghang wika ni Princess sa kasamang si Natee. Lumabas na sila sa Museum para pumunta sa isang fastfood chain na malapit lang din. "Kaya nga. Pakiramdam ko nga ay nasa scene ako ng Hamlet nang makita ko yon." Tumawa pa ang binata, "Buti na lang dito tayo nag-OJT. Sulit 'di ba?" Tumango naman sya. "Mas nadagdagan nga ang kaalaman ko tungkol sa mga paintings nang dahil dito sa museum, eh." Natatawang tumango ang kasama, "Pero ang pinagtataka ko lang, bakit kaya hiwalay ang Gallery at Museum ni Boss?" "What do you mean?" Kunot noong tanong ni Princess. "Iyong tinatawag na 'King's Gallery' ay located din dito malapit sa museum. Pero hindi mo ba naisip na pareho lang naman ang Gallery at Museum?" Tumawa ang binata, "Search mo sa google." "Yung Gallery ni Boss, para lang sa special events. Bihira niya lang ipagamit. Ito namang museum ay open sa lahat ng tao. Pinaghiwalay lang ni Sir." "And it explains everything?" Nagkibit balikat si Princess sa binata, "We'll never know. Alam mo naman si Sir King, ni hindi nga natin nakakausap. Mas madalas ko pa ngang makita si Admin." Simpleng pagtawa na lang ang isinagot ni Natee, hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa nasabing fastfood. NASA KALAGITNAAN naman sila ng lunch nang biglang magring ang cell phone ni Princess. Bakit tumatawag 'to? "Hello, Angela? Bakit?" Takang tanong ni Princess nang sagutin niya ang cell phone. Nakamasid lang sa kanya si Natee habang kausap ang kaybigan. "Are you guys finish? May impottante kasing announcement si Sir King. Bumalik na agad kayo rito pagkatapos nyo." Kahit hindi kita ng kausap ay tumango si Princess, "Matatapos na kami." Agad rin niyang ibinaba ang linya at saka kunot noong tumingin kay Natee, "May announcement daw si Sir King." "Really? Let's finish our lunch then." Tango lang ang isinagot ni Princess kay Natee. Wala naman silang sinayang na oras at nagmadaling ubusin ang pananghalian. Sa tatlong linggo nilang pagiging intern ay ngayon lang nagpatawag ang boss nila para sa isang announcement. May kaba man, hindi pa rin mawala kay Princess ang kyuryosidad sa kung anong bagay ang pag-uusapan nila. Sa tono ng pananalita kanina ni Angela ay hindi maitatangging seryoso ang sasabihin ng boss nila. HALOS MARINIG na ni Princess ang tunog ng pagtibok ng puso niya nang makarating sila ni Natee sa Presidential area. Lahat ng interns at staff ng museum ay nakapibot sa isang mesa-ang table ng boss nila. "They are here, Sir." Rinig niyang anas ng isa sa empleyado ng museum. Kunoot noo man, pilit pa rin siyang ngumiti nang halos lahat ng tao ay sa kaniya nakatingin na para bang may nagawa siyang mali. Ito na naman ang malakas na pagtibok ng puso niya nang mapadako ang paningin sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair. Mula sa pwesto ni Princess ay kitang kita niya ang kakisigang taglay ng boss nila. Agad na umagaw sa atensyon ng dalaga ang pagkinang ng hikaw na suot ng boss sa kanan nitong tainga. "Kumpleto na ba kayong lahat?" Agad na dumagundong ang dibdib ni Princess nang magsalita ang boss niya. That baritone voice. Hindi niya akalaing muli niya itong maririnig dahil sobrang bihira lang pumasok ang boss niya. At kung pumasok man, hindi naman nagsasalita. At kung magsalita man, nasa malayong parte siya ng museum kaya hindi rin niya naririnig. "Yes, sir." Isa sa staff ang sumagot at simpleng tango lang ang ibinigay ng boss niya. "Mawawala ako ng 1 week. May hinihinging pabor iyong isa kong kaybigan para magshoot sa kasal niya." Panimula nito. Bakit ba 'to nagkukwento? "Since Amara is not around, kayo na muna ang bahala sa museum. Hindi puwedeng gamitin ang gallery at huwag kayong magpapapasok sa private room ko." Iyong private room na sinasabi ng boss nila ay ang nag-iisang kuwarto sa dulong pasilyo malapit sa Presidential area. Hindi na bago kay Princess ang bilin na iyon ng boss nila. Halos araw-araw kasi ay binibilin iyon ng staff ng museum na bawal doong pumasok. Kahit nga ang head admin nila ay hindi pa roon nakakapasok. "Okay, Sir. Copy." Seryosong sagot ng isa rin empleyado na nasa katabi niya dahilan nang pagbaling ng boss niya sa gawi nila. Halos mapasinghap naman si Princess nang magtama ang paningin nilang dalawa. "At ikaw," turo sa kaniya ng binata dahilan nang mas matinding pagkabog ng dibdib niya. Halos mapatalon din siya nang seryosong tumingin sa kaniya ang boss nila. "B-Bakit po?" Aligagang tanong ni Princess. Ramdam niya ang pagtulo ng pawis niya kahit na malamig sa buong museum. "Intern ka rito, right?" Hindi ba niya alam? Sunod sunod na tumango ang dalaga, "Yes, Sir." "Then you'll be my personal secretary for the whole week." Ngumisi pa ito na mas ikinabilis ng pagtibok ng puso niya. "M-Me?" Itinuro pa ang sarili, ramdam din niyang nasa kaniya ang atensyon ng mga tao sa paligid. "Yes, you." "Why me?" "Why not?" Muling ngumisi ang boss niya, "May angal ka?" Sunod sunod siyang umiling. May magagawa pa ba ako? "W-Wala, Sir." "Good." Anas nito at saka tumingin sa mga empleyadong nakapaligid sa kaniya, "Now, go back to your respective places and continue your work." Sumunod naman agad ang mga tao samantalang hindi pa rin umaalis sa puwesto si Princess. Hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng boss niya. Me? His personal secretary? "Is there any problem, Miss?" Nawala siya sa pag-iisip nang muling marinig ang boses ng boss niya. Laking gulat pa niya nang makitang wala na ang mga kasama, tanging ang boss na lang niya ang nakikita na kasalukuyang nakaupo pa rin sa swivel chair nito. Ang kanang kamay ng binata ay pinaglalaruan ang labi kasabay ng pagngisi. Ito rin ang naging dahilan nang pagtitig ni Princess sa mapupulang labi ng boss niya. Muling nanumbalik sa dalaga ang lambot ng labing iyon nang halikan siya ng boss niya. God, Princess! What the hell are you thinking? "A-ahh, wala po, Sir." "Hmm," ngising anas ng binata, "Parang nakita na kita, hindi ko lang maalala." Gumuhit ang munting kirot sa puso ni Princess nang marinig ang sinabing iyon ng boss niya. Hindi niya maalala? Seriously? Nakalimutan niya na ako iyong naging "partner" niya sa kasal ni Admin? Gusto iyong itanong ni Princess pero wala siyang lakas para gawin iyon, "Baka kamukha ko lang, Sir." Iyon na lang ang sinabi niya kahit na napakaraming imiikot na tanong sa isip niya. Nakangisi namang tumango ang kausap, "Siguro. Kapag wala kasing espesyal sa isang tao, marami talagang nagiging kamukha." Akala niya ang masakit na ang naramdaman kanina, pero mas masakit pa pala ang mararamdaman niya ngayong muling nagsalita ang boss niya. "Balik na 'ko sa trabaho ko, Sir." Simple lang siyang tumango bilang paggalang at saka naglakad palabas sa Presidential area. Walang espesyal? Gano'n ba iyon? At talagang hindi niya ako maalala? Pagkatapos niya akong halik-halikan noong kasal ni Admin. Kapal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD