Three years later… Tuloy-tuloy si Atty. Zach Hector Rivera sa loob ng kanyang marangyang opisina. Tambak ang kanyang trabaho sa araw na ito. Pagkatapos niya kasing asikasuhin ang mga paper works ay naka-schedule siya para sa interview sa mga abogado na kukunin niyang junior lawyer associates. Hindi na kasi mapigilan ang pagiging tanyag ng kanyang law firm sa business world. Halos lahat ng business men sa Manila at karatig-lugar na nagkakaroon ng legal problem sa kanilang negosyo ay sa kanya lumalapit para sa kanyang de-kampanilyang serbisyo. Kung kaya, nangangailangan siya ng dagdag na mga abogado para sa kanyang paparaming kliyente. Matapos hubarin at maingat na isampay ang tailored suit sa likod ng kanyang swivel chair ay maingat siyang umupo. His forehead crumpled when he not

