CHAPTER 7.1 - HIDEAWAY

1602 Words

ILANG katok na ang ginawa ni Zack sa pintuan ng guest room kung saan nagpapahinga si Hannah, ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto ng dalaga. Marahan niyang pinihit ang door knob at saka sumungaw sa loob para sana tawagin ang dalaga ngunit napatda siya sa nakita niya.  Tuluyan na siyang pumasok sa loob nang hindi inaalis ang tingin sa babaeng nakahiga sa kama at tila anghel na natutulog. Hindi tuloy niya napigil ang sariling hindi mapangiti. Paano ba naman ay hindi mababanaag sa hitsura nito ang pondong katarayan, kasupladahan, kaprangkahan, at higit sa lahat ay katapangan habang natutulog ito nang mahimbing. Wari ito isang maamong tupang nakahiga sa kama habang ang isang kamay naman nito ay nakasapo sa pisngi nito samantalang ang isa naman ay nasa ilalim ng unan. Nakangiti siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD