NANG masigurado ni Zack na hindi na nakasunod sa kanila ang mga lalaking humahabol sa kanila ni Hannah ay kaagad niyang pinara ang unang taxi na walang sakay at saka ito inutusang ihatid sila sa airport. Tahimik lang si Hannah sa taxi at alam niyang marami itong tanong sa kaniya. Kaagad niyang tinawagan ang kaniyang amang si Donovan at saka nito sinabing pupuntahan sila nito sa airport kasama si Zion. Hindi na siya nakipagtalo pa lalo na nang sabihin nitong kailangan pa nitong kausapin si Peter na noon ay tumatawag sa kabilang linya. “That’s dad. He’s going to meet us as the airport later,” aniya nang bumaling ang nagtatanong na mata ng dalaga sa kaniya. Tanging tango lang ang itinugon ni Hannah saka muling tumingin sa labas na tila ba malalim ang iniisip. Muli siyang nag-dial sa telep

