Second semester na. Myghad, Bri! Kaunting kembot pa at makaka-graduate ka na ng college. Kaunting giling pa at matatahi mo na ang nabutas na bulsa ng nanay mo. Kaunting-kaunti na lang at makakapagtrabaho ka na at magiging “Certified Public Accountant” ka na.
Isang sem pa. Kaya ko ‘to. Laban lang!
Hayy nako, minsan ay natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ‘yan. ‘Yong mga panahong dapat ga-graduate na ko at magiging CPA na kaya lang sa isang iglap, biglang naglahong parang bula. Dahil sa bwiset na crush ko na saksakan ng paasa; Magdamag akong pinakilig, isang buwan akong nilandi at pinaasa kaya naman nakalimutan kong ballpen pala ang pansulat at hindi lipstick at eyebrow pencil.
Hinayupak na ‘yon! Matapos akong pakiligin ng isang buwan, bigla akong tatakbuhan at sasabihing; “Hindi kita type, Brianna. Sorry talaga,” Kaya ayan ang napapala ‘ko, dahil sa isa akong pinagpalang tanga, ‘yong dapat diploma na maibibigay ko sa nanay ko ay naudlot dahil sa anak niyang uto-uto.
Di bale na nga, isang taon na rin ang nakakalipas. Umulit man ako ng 5th year ko, ayos din kasi marami naman akong natutunan. Na dapat, unahin ang mag-aral bago ang lumandi. “Books before boys because boys bring babies,” ika nga nila. Moved on na ko. And by this time na second sem na naman at ilang dipa na lang ang layo ng diploma sa akin, hindi ko na ito hahayaan pang lumayo sa akin. Ayoko muna ng distraction kaya nilalayo ko na ang sarili kong matukso sa mga gwapong kalalakihang dala ay sakit at pighati sa aking puso.
Yuck. Kadramahan overload na naman, self. Taf na!
Pero seryosong usapan lang, pagkatapos ng nangyaring iyon sa akin ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na ulit gagawin iyong pagkakamali na ginawa ko noon. Tama nang nangyari 'yon nang isang beses, pero ang tanga 'ko na kung hahayaan ko pa 'yong maulit ulit.
Wala na 'kong tatay kasi nangapit-bahay siya pero hindi na nakauwi sa bahay kaya si Nanay na lang ang kasama namin ng kapatid ko at siyang bumubuhay sa aming dalawa. Ang kapatid ko naman ay third year high school pa lang kaya mahaba-haba pa ang gugugolin niya sa pag-aaral.
Kung hindi lang sana 'ko umulit sa course ko, edi sana ngayon natutulungan ko na si Nanay na maghanapbuhay para sa aming tatlo. E kaso dahil ang tanga 'ko pagdating sa pag-ibig, naudlot pa 'yong pangarap ko. Alam kong nabigo 'ko si Nanay kasi alam kong umaasa rin siya na ga-graduate na 'ko pero siguro, nakatadhana na mangyari 'to sa akin para matuto na dapat hindi agad-agad nagtitiwala at hindi dapat kaagad ibinibigay ang puso sa hindi pa gaanong kilala.
Hay nako, sana lang talaga ay malampasan ko nang maayos ang sem na 'to at nang maka-graduate na 'ko. Taeng-tae na 'kong makatanggap ng diploma. Tsaka isa pa, last year pa 'ko ready mag-take ng board exam, e.
“Nagiging hobby mo na yata ang mag-overthink, Bri?” untag sa akin ni Mia. Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko, ang ganda lagi t-um-iming, e. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ko ba siya kinaibigan.
“Masaya kaya, bakit hindi mo i-try?” sarkastiko kong sabi.
“Hindi na, mukhang hindi ako mahihiyang.” Aniya at naupo na sa upuan niya sa may bandang harapan. Hindi kasi kami magkatabi ng upuan since may sitting arrangement kami. Parang bata, 'di ba? Ewan ko ba sa univerisity na 'to, masyado kaming bine-baby.
Sana all baby.
Kidding aside. Thankful pa rin naman ako kahit papaano dahil nakapasok ako sa university na 'to at masasabi 'kong dekalidad ang edukasyon na pino-provide nila sa bawat estudyante. Kaya walang kaduda-duda na sikat ang university na 'to at mahal ang mag-aral dito.
Buti na lang kamo, nakapasa 'ko sa scholarship exam para makapasok dito. Kasi kung hindi, baka naligaw na 'ko ng landas. Tyaka dahil din sa pagkakapasok ko sa university na 'to ay nakilala ko si Mia at naging kaibigan hanggang ngayon. Dahil nga sa sobrang closeness naming dalawa, akalain niyong parehas kaming repeater ng course namin.
That's the strong bond that we have for each other.
"Good Morning, class." Pagbati sa amin ng Professor namin na halos kakapasok lang ngayon. Bumati naman kami pabalik sa kaniya bilang respeto.
"We are now heading in your second semester, right? Under your specialization which is Accountancy, you are all expecting that you will finally do your On-The-Job Training." Sabi ng aming Prof. "Unfortunately, the University Board Member doesn't allowed it anymore. I know that some of you are very excited to be on the field of Accounting, but we have to follow the guidelines by the Head.
Magkakaroon pa naman kayo ng pagkakataon na makapag-OJT kasi requirement naman talaga 'yon sa kurso niyo. But that will only happen after the first-half of this semester. But for now, you will be given a lot of task to do and needed to accomplished that before the end of the first-half of the semester.
Dahil nga maraming adjustment ang mangyayari because of accepting repeaters and transferees under your course, the Board Members have finalized this guidelines para lahat ay makasabay at makapagpasa ng kailangang ipasa to complete the requirements needed before you finally go on the field, understood?"
"Yes," sagot ng ilan kong mga kaklase.
Maging ako ay nalungkot sa announcement na 'yon pero kailangang gawin iyon. Nakakalungkot lang na dahil sa amin na repeaters ay napahirap pa lalo ang sitwasyon nitong mga future Accountants na sana ay makakapag-OJT na.
Hay nako.
"Now that everything's clear, I will dismissed this class early. We'll meet in our next meeting to officially start our class. Good bye." Paalam ng Prof namin bago lumabas ng room.
Hindi naman bago 'yon, na wala munang klase since first day pa lang naman ng second sem. Kung baga, adjustment period pa lamang kaya medyo maluwag pa ang aming schedule.
"Nakakaumay itong sem na 'to, nararamdaman ko." Bungad ni Mia sa 'kin nang makaupo sa tabi ng upuan ko sa kanan. Wala kasing nakaupo roon, ewan ko kung bakit nilaktawan iyon ng Secretary namin.
"Ramdam na ramdam ko. Bukod sa nakakaumay, ramdam ko rin na magiging mahirap ito kaysa noong nakaraang taon. Nakakapangsisi tuloy na hindi natin s-in-eryoso mag-aral noon, edi sana graduate na tayo sa pag-aaral." Nanlulumong sabi 'ko.
"Anong hindi ko s-in-eryoso mag-aral? Hoy! Ang sipag ko kaya mag-aral noon, pero dahil broken-hearted ka, nasira pag-aaral ko kaya nadamay ako! Kaya ayan, parehas tayong repeater!"
"Hindi ka naman galit niyan? Baka mamaya, may itinatago ka pang hinanakit sa akin, ah? Ilabas mo na, huwag ka nang mahiya." Sabi ko.
"Alam mo, umalis na lang tayo rito. Labas man lang tayo nang mahanginan man lang tayo, 'no?"
“Saan naman tayo pupunta?”
“Tour kaya kita rito sa campus. Baka gusto mo?” pilosopo nitong sabi. Hay nako, ang bilis talaga magbago ng mood nito.
"Sus, maghahanap ka lang ng poging lalaki, e! Sumbong kaya kita kay Migs, ha?" hamon ko sa kaniya.
"Seriously, Brianna? Gusto ko lang talaga magpahangin, okay? Tyaka alam mo, matagal na 'kong quit sa pangha-hunting ng lalaki buhat no'ng maging kami ni Migs." Kinikilig pa nitong sabi.
"Tara na nga, bago pa kung saan mapunta 'yang sinasabi mo." Sabi 'ko at nauna nang lumabas ng room.
--
Hindi ko alam kung gusto ba talagang magpahangin nitong si Mia o talagang nagugutom lang siya. Palusot niya lang siguro na gusto niyang magpahangin pero ang totoo, gutom na siya.
"Akala ko ba diet ka na?" tanong ko habang pinapanood siyang kumain. Ayoko kasing kumain kasi busog pa naman ako.
"Walang diet-diet sa gutom!" aniya habang ngumunguya pa. "Kaya ikaw, huwag mong tipirin ang sarili mo at kumain ka. Alam mo namang lagi kong sagot ang pagkain mo kaya hindi mo kailangang gutumin ang sarili mo." Dagdag pa niya.
Actually gutom talaga 'ko, ayoko lang talaga gastusin iyong baon kong pera. Nag-iipon kasi 'ko para makapunta 'ko sa concert ng idol kong KPop Group, e. Gusto ko kasing sa sariling bulsa ko manggaling ang pambili ng merch nila at ticket sa concert para damang-dama ko na pinaghirapan ko talaga 'yon.
"Kakain na nga, e." Sabi ko at nagsimulang lantakan ang in-order niyang pagkain para sa 'kin.
“Nabalitaan mo na ba ‘yong cutie na transfer student dito?" muntik na 'kong masamid sa kinakain kong burger sa biglang sinabi ni Mia.
"Akala ko ba quit ka na sa paghahanap ng pogi? E, ano 'yang tungkol sa transfer student na cute ang sinasabi mo?" tanong ko sabay kuha sa bote ng softdrinks at ininom ito.
"Narinig ko lang naman iyan na pinagchi-chismis-an ng mga babaeng estudyante rito. Alam mo naman ako, matalas ang pandinig ko pagdating sa chismis." Proud niya pang sabi.
"Lalo na kung tungkol sa pogi," natatawa 'kong sabi.
"Pero seryoso, ayon sa nakalap kong chismis, sobrang pogi raw no'ng lalaki. Mala-leading man daw sa Korean Novela!"
"Ano namang gagawin ko? Magpapa-autograph ako sa kaniya?" maang-maangan ko.
"Kinukwento ko lang naman sa 'yo kasi baka lang kako interesado ka sa kaniya---"
"Hindi. Hindi ako interesado, okay?" pinal na saad ko. "Second sem din noon, no'ng nakilala ko si Ivan, 'di ba? Ganitong-ganito rin iyon, ang kaibahan nga lang, hindi siya transfer student. Varsity player siya ng university na noon ko lang nakilala, pero hindi ko inakalang player talaga siya. Literal na player." Natatawa 'kong sabi.
Bigla ko na namang naalala 'yon. Si Mia rin ang nagbida sa akin tungkol kay Ivan, at siya rin ang naging tulay para maging mas close kami ni Ivan sa isa't isa. E dahil marupok ako noon at tatanga-tanga, naging close nga kami at ang mas malala pa, nagustuhan ko siya kaagad dahil lang sa mga sweet gestures niya na halata namang peke.
Magmula no'ng araw na aminin niya sa akin na hindi niya talaga 'ko type, halos isumpa ko na talaga lahat ng mga lalaking nabubuhay sa mundo. Sana 'yang mga malalakas ang loob na manloko, e lumaki ang bayag para madala. Akala mo naman kay gugwapo para manloko, e mga mukha naman silang tuko.
"Effective pa rin pala 'yang sumpa mo, 'no? Isang taon na nakakalipas, kailan expiry date niyan?" tanong ni Mia na alam ko namang may halong pagka-sarcastic.
"Forever,"
"Alam mo, maganda ka kaya tsaka mabait. Kaya nga hindi na 'ko nagtataka kung bakit may mga lalaking gustong lumapit sa 'yo at pormahan ka. Kaya lang ang problema sa 'yo, dahil lang nasaktan ka sa iisang lalaki, e takot ka nang buksan ulit iyang puso mo para sa iba. Huwag ka naman sanang gano'n, Bri. Huwag ka namang nambubugbog ng lalaking magtatangkang manligaw sa 'yo---"
"Self-defense ang tawag doon, Mia. Bago pa man nila 'ko masaktan, uunahan ko na sila." Pagputol ko sa sinasabi niya. "Tsaka alam mo, wala na 'kong balak na buksan ulit ang puso ko para sa iba. Ayoko na, e. Nakakapagod, ang sakit talagang magmahal. Dahil sa sakit na dulot noon, pati ibang bagay na mahalaga sa akin ay nadamay kaya hindi ko na 'yon hahayaang mangyari ulit." Tumingin ako kay Mia. "Kung ikaw man ang nasa katayuan ‘ko, Mia, pipiliin mo pa rin ba na magmahal ulit? Hindi ba nakakadala?”
“Susubok ako ulit hanggang sa matagpuan ko na ‘yong tamang tao para sa ‘kin. Kasi alam mo, Brianna,” saglit siyang napahinto sa pagsasalita tsaka ‘ko mataman na tiningnan. “Walang tao ang hindi nasasaktan sa pag-ibig. Kailangan nating maranasan na masaktan para matutunan ang dapat matutunan. Sa love, hindi lang puro sarap. Kailangan mo rin mahirapan, ‘no?”
Nakuha ko naman ang point ni Mia pero hindi niya pa rin makukuha ang loob ko na magmahal ulit. Tsk, over my dead sexy body?! No way!
“Alam mo, umalis ka na lang sa harapan ko. Kanina pa tawag nang tawag sa ‘yo ‘yang bebe mo. Mukhang magde-date yata kayo kaya gora na, puntahan mo na ‘yan bago ka pa niyan ipagpalit.” Sabi ‘ko kasi kanina ko pa talaga nararamdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya, e.
“Okay, sabi mo, e. Hayaan na kitang mag-isa rito, ah? Tutal sanay ka naman nang mag-isa.” Aniya at tumawa pa talaga bago niya ‘ko nilayasan.
“Tsk, kapag talaga naghiwalay sila ng jowa niya, hinding-hindi siya makakatikim ng comfort mula sa ‘kin.” Inis kong bulong sa sarili.
---
Dahil nga naiwan akong mag-isa sa cafeteria, napagdesisyonan kong umalis na rin doon kasi ubos na rin naman ang kinakain ko. Wala na 'kong balak na mag-round 2 dahil nagtitipid ako ngayon, 'di ba?
Ngayon nga ay abala 'kong naglalakad-lakad sa hallway. Tinatamad pa 'kong bumalik ng classroom since may mahigit isang oras pa bago ang next subject namin.
Habang naglalakad, naagaw ang atensyon ko nang may maulinigan akong may tumutugtog ng violin. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog at natagpuan ko ang sarili sa may tapat ng Music Room. Saktong bukas ang bintana kaya’t nakikita ko 'yong lalaking feel na feel tugtugin 'yong violin habang nakapikit pa. Nakatitig lang ako sa kaniya ng ilang minuto kasi nakapikit naman siya at hindi naman niya ko tiyak na mapapansin. Hanggang sa matapos siyang tumugtog..
Tila mas lalo akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang dumilat siya at saktong nagtama ang aming mga paningin. Hindi ko magawang umiwas man lang ng tingin at magtatakbo sa kahihiyan dahil ang sarap niyang titigan. Para akong nakaramdam ng kilig sa katawan the moment I see him.
Oo, ang weird. Basta, hindi ko maipaliwanag. Maybe my heart is beating as it's about to jump right out of my chest and into his arms?
---
First sign: Makita mo pa lang siya, kilig to the max ka na.