Chapter 17

1498 Words
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Ilang araw din ang lumipas. Normal lang ang pagsasama nina Kyle at Junjun sa iisang bubong. Natutunan na nila kung paano makikisama sa isa't-isa. Kagaya ni Kyle, na ayaw na ayaw maistorbo sa pagtulog tuwing umaga habang si Junjun naman... ayun masiba pa rin sa pagkain. Paborito niya ang luto ng binata. Natutuwa rin ang lalaking multo sa tuwing tinatanong siya ni Kyle kung ano ba ang gusto niyang kainin. Para kasing mahalaga ang opinyon niya sa mga gantong bagay. Parang espesyal yung dating sa kanya. Dahil kakaunti lang ang alam niyang luto ng pagkain, nagtatanong ito sa ibang mga Junjun sa building ng mga suggestions. Baka kasi may nalalaman silang pagkain na kayang lutuin ni Kyle. At siyempre, bilang ganti, buong magdamag ikkwento ni Junjun kung gaano kasarap magluto ang binata. Walang sawa niyang binibida ang kahit na anong ginagawa nito. Ang ibang mga Junjun naman ay naaaliw pa rin sa pakikinig kahit na parang sirang plaka yung pinapakinggan nila. Masaya sila na makita si Junjun 8 na maligaya at ayaw nilang ipagkait iyon sa kaniya. Alam nila kung gaano kalungkot at kahirap ang ma-trap sa isang building at gumising araw-araw ng wala kang nalalaman tungkol sa nakaraan. "Cordon bleu?" Napatigil si Kyle sa paghahalo ng kanyang kape. Day off niya ngayon at kasalukuyang nagkakape sa katirikan ng araw sa tanghali. Kaharap niya ngayon si Junjun na kumakain ng tinapay na walang palaman. "Yep! Can you do it for me?" Nagawa pang magpa-cute ng multo sa pamamagitan ng pagpapatong ng ulo niya sa dalawang palad na tila naka-flower pose. Napairap na lang ang binata sa asal ng multo. "Anong pumasok sa kukote mo at naisip mong magpaluto niyan?" "Wala. I just heard masarap daw yon. And yesterday, I saw you guys have it in your canteen." Naalala ni Kyle na cordon bleu ang ulam na binili ni Alan nung nag-lunch sila kahapon. Di na nakapagtataka kung saan galing tong request ni Junjun. Pero hindi naman sila nagkita nung lunch kahapon ah? "Nasaan ka ba kahapon? Magdamag tayo di nagkita tapos ngayon, magpapaluto ka." tinaas pa ni Kyle ang kilay nito habang nagtatanong na parang nagtataray. Magdamag hindi nagpakita si Junjun kahapon noong nasa office building sila. Pero di niya ipagtatapat na naka-buntot lang talaga ito kay Kyle at palihim na nagmamasid. "Just here and there." pagpapalusot ng multo. Alam ni Kyle na hindi nagsasabi ng totoo itong si Junjun. Hinala nito na may pinagkakaabalahan ito sa kung saan mang parte ng building. Hindi rin naman niya gusto na pagsabihan ito dahil wala naman siyang pake kung saan pa magpunta ang gung-gong. "Then, wag kang magpapaluto sa 'kin." Tinungga ng binata ang natitirang laman sa tasa niya saka ito tumayo para ilagay ito sa lababo. Naiwan naman nakatulala si Junjun habang pinoproseso ng sinabi ni Kyle. Ang taray naman nito! Napahalukipkip si Junjun at saka niya naisipan na lumabas ng bahay. Nagtatampo siya kay Kyle dahil hindi siya pinagbigyan nito. Pero alam niyang mapipilit niya rin ito mamaya. Tumayo siya at tumagos sa pader papuntang kung saan. Balak niya munang magliwaliw at hahanap siya ng teknik para mapapayag ang binata. Napangisi si Junjun. Naiwan naman sa katahimikan si Kyle. Alam nito na umalis si Junjun. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito habang nakatitig sa plato kung saan niya pinapakain si Junjun kanina. Kung hindi lang talaga... Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at idinial ang number ng ina. Matapos ang kamustahan ay tinanong ng binata kung paano ba magluto ng cordon bleu. Nagulat naman ang ina nito dahil alam niyang hindi mahilig magluto ang anak. Magluto man ito ay yung mga simpleng putahe lang. "Para saan pala yon 'nak? May party ba sa inyo?" ang tanong ng ina sa kabilang linya. "Wala, ma. May nagpapaluto lang." ang sagot ni Kyle habang sinusulat sa papel yung mga ingredients na nabanggit ng ina kanina. Hindi naman nakasagot kaagad ng ina nito. Hindi nakikita ng binata kung paano lumawak ang ngiti ng babae sa kabilang linya matapos marinig ang sinabi niya. "Sino ba 'yan 'nak? Kaibigan ba yan? Pakilala mo naman sa amin." Tila may panunukso pa sa boses ng ginang. Isang beses lang kasi may ipinakilalang kasintahan ang anak nito. Sa kasamaang palad, nabalitaan niya na naghiwalay na pala ito. Pagkatapos noon, hindi na nila muli nakita ang anak na magpakilala sa kanila ng nobya o kahit kaibigan man lang. Ito din ang unang pagkakataon na tila nage-effort ang anak na magluto para sa kung sino man. Tipid na napangiti naman si Kyle sa sinabi ng ina. "Ma naman. Tropa ko lang yon. Saka babayaran niya ako no. Hindi libre 'to. Ano siya? Boss?" ang depensa ng binata sa sarili. Napatawa naman ang ina nito sa telepono. Pinalagpas na rin nito ang anak. Di naman niya pipilitin itong magkwento. Kung kaibigan, e di kaibigan. Matapos siyang bilinan ng ina tungkol sa pagluluto, binaba na ni Kyle ang telepono. Kinuha niya ng wallet niyang naghihingalo na at lumabas ng bahay para mamili. Hanggang makarating ng grocery store ay hindi pa rin nagpapakita si Junjun. Medyo sumama ang pakiramdam ng binata pero minabuti niya na ipagpatuloy na lang ang pamimili. Sa kabilang banda, sa isang eskinita hindi kalayuan sa binata, nakaupo si Junjun habang nakasandal sa isang pader. Kapit-kapit nito ang kanyang tenga na tila pinipigilan nitong marinig ang mga boses na naglalaro sa isip niya. "You're going to get married, and you can't do anything about it, son." Kani-kanina lang ay may nakasalubong si Junjun na dalawang magkasintahan. Masaya itong nag-uusap tungkol sa mga plano nito sa kanilang kasal. Habang nakikinig ay bigla na lang sumakit ang ulo ni Junjun kasabay ng mga tinig na nagpupumilit pumasok sa isip niya. "Dad! Please! You can't do this to me! Hindi ako papayag! I'd rather die than marry someone I don't have feelings for!" "My decision is final, Ezekiel!" "I'll kill myself, dad! I swear. Hindi ko kakayaning mabuhay kung—“ Naramdaman ng multo ang pagpatak ng likido mula sa kanyang mata. Sa kanyang pagpawi dito, nakita niya na nadungisan ng pula ang kanyang mga kamay. Nawala man ang mga boses na pilit na bumubulong sa kanya, paulit-ulit naman itong naglalaro sa isip niya. "E-Ezekiel..." Ezekiel ang pangalan niya. At ikakasal siya. Pinunasan niya ang kanyang luha at tumayo. Pero nang nasilayan niya ang duguan niyang kamay, may kung anong kirot ang dumapo si dibdib nito. "Una, wag kang iiyak. Ayoko makita ang duguan mong mukha." Nasagi sa isip niya ang rule na binigay sa kanya ni Kyle. Hindi ako pwedeng makita ni Kyle na ganto. Sa nakaraan niya, ikakasal siya sa taong hindi niya mahal. Hindi siya sang-ayon sa desisyon na ito at handa niyang wakasan kahit ang sarili niyang buhay. Naisip ng multo na kailangan itong malaman ni Kyle. Isa itong mahalagang impormasyon sa buhay niya at naaalala na rin niya ang kanyang pangalan. Si Kyle lang ang makakaintindi sa kanya. Si Kyle lang ang tutulong sa kanya para mahanap ang kasagutan. Nakabalik na't lahat-lahat si Kyle pero hindi pa rin niya nakikita si Junjun. Hindi maitatanggi na nag-aalala siya para rito. Madalas ay saglit lang itong lumalabas pero ngayon ay halos buong araw na itong walang paramdam. Niluluto niya ang request ni Junjun na cordon bleu ayon sa turo ng mama niya. Excited pa naman ito magluto pero aminado ang binata na nadismaya ito nang hindi niya maabutan ang multo sa bahay pagkagaling sa grocery store. Sosopresahin niya sana ito pero walang Junjun ang nag-aabang sa kanya. 11:06 PM. Hating-gabi na pero wala pa ring paramdam. Tahimik na naghihintay si Kyle sa hapagkainan. Pinagmamasdan niya ang nakahaing cordon bleu at ang paboritong snacks ni Junjun. Kahit ilang beses niya itong tawagin ay walang dumadating. Napabuntong hininga ang binata at alam niyang walang makakarinig sa kanya. "siyap... siyap" Nadako ang atensyon ng binata nang marinig nito ang huni ng sisiw. Naglalakad ang maliit nitong anyo sa ilalim ng lamesa na tila namamasyal lang. Kinuha ito ni Kyle at inilagay sa ibabaw ng mesa. "Nasan na kaya ang daddy mo?" Nakatingin lang sa kanya ang munting sisiw na para bang iniintindi nito ang sinasabi niya. Hinaplos-haplos naman ng binata gamit ang isang daliri ang kumukupas na asul na balahibo nito. "Nag-aalala ka ba sa daddy mo?" "siyap... siyap" "Ako din..." Napangiti si Kyle nang ma-realize niyang para siyang baliw ngayon na kumakausap sa walang kamalay-malay na hayop. "Nag-aalala ako sa daddy mo. Papagalitan ko yon pag dumating." ang dagdag na biro nito. "siyap... siyap" Patuloy lang sa pag-iyak ang kawawang sisiw na tila hinahanap ang inahin. Si Kyle naman ay hindi mapigilang mapasabunot sa buhok sa tuwing naaalala na wala pa rin si Junjun hanggang ngayon. Nasaan ka ba, Junjun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD