─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Nagulat si Kyle dahil biglang nilagyan ulit ni Marian ng pusit at isda ang plato niya. Ayaw niyang makaabala sa kahit sino man kaya nahihiya siya. "Uyyy~ Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" walang anu-ano'y biglang kumanta si Alan, at alam ni Kyle na nanunukso ito base sa lyrics ng kanta niya at ang ngisi niyang nakakaasar. "Tumigil ka nga!" Gustong itatwa ni Kyle ang kaibigan dahil nababaliw na naman ito. Tumawa naman si Marian, "Loko ka talaga Alan. Malisyoso ka ah." At para tuluyan nang manahimik si Alan, tinapalan niya ito ng isang bulto ng kanin sa bibig. "Bakit malisyoso?" Biglang nagtanong si Ezekiel na may bakas ng pagkalito sa mukha. Biglang sumama ang pakiramdam ni Kyle. Pag tingin niya kasi kay Alan, bakas ang ngisi nito kahit ngumunguya. "Oh

