─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Paglabas ni Kyle mula sa banyo pagkatapos niyang maligo, naabutan niya si Ezekiel na nakahiga sa kama at natutulog. "Pagod na pagod talaga." Napailing na lang siya at saka dumako sa lalaking natutulog para ayusin ang pagkakahiga nito sa mas komportableng posisyon. Ilang saglit pinagmasdan ni Kyle ang natutulog na si Ezekiel. Ito ang imahe na palagi niyang naaalala. Madalas niyang sabihin noon na walang pinagkaiba sa ordinaryong tao ang itsura ni Ezekiel kapag natutulog kahit noong isang kaluluwa pa ito. "Matulog ka lang, marami tayong gagawin bukas. Sana mag-enjoy ka." ang bulong niya. Marahan niyang hinawi ang buhok na nakatakip sa noo ni Ezekiel bago ito lumabas ng kwarto. Kinabukasan, maagang nagising si Ezekiel. Medyo nalito pa ito dahil isang hindi pami

