─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Isang linggo na ang lumipas simula nang makabalik sa Maynila sina Ezekiel at Kyle matapos ang ilang araw na pamamalagi doon. Natatandaan pa ni Ezekiel ang mga sinabi sa kanya ng mama at kapatid ni Kyle bago sila umalis: "Maraming salamat sa pagbisita mo dito sa amin. Palagi kang welcome dito anumang oras. Masaya kami na nakasama ka namin." bumulong si Mrs. Salvador sa kanya. "At tawagin mo na rin kaming mama at papa." "Kuya Ezekiel, salamat ulit sa pagbisita. Sana makapunta ka ulit pag umuwi dito si kuya." at pabulong na sinabi ni Warren, "Sana pagbalik mo, may invitation na kami ng kasal niyo." Tinanong niya kay Kyle kung sinabi ba niya sa pamilya niya ang tungkol sa relasyon nila, ngunit ang sagot nito ay hindi. Anuman ang dahilan, masaya si Ezekiel dahil

