********** Dahan-dahang isinalansan ni Zarah ang kaniyang mga damit sa maliit na locker na inilaan sa kaniya sa loob ng napalaking silid na iyon. Naroon silang lahat na ambassadors at inuukopa ang bawat isang bunk bed. Naroon sila sa lugar kung saan ang gyera kaya expexted na na ang tulugan nila ay dormitory type room. Hapon na nang dumating sila sa isang lungsod ng Himran na katabi lang ng Baghdad. Sa labas ng maliit na building kung saan sila tumutuloy ay naroon ang napakaraming tent na bigay ng UNICEF para gawing pansamantalang tirahan ng mga refugee. Lahat ng mga naroon ay muslim. Yung mga ambassador na hindi muslim ay pinagdamit ng muslim upang hindi magiging asiwa sa paningin ng mga refugees. Kasali na doon si Zarah. Matapos ang ginagawa ay tumayo siya at sumilip sa bintana. Gusto

