EPILOGUE

1295 Words
Ipinatong ko ang bag sa isang lamesa malapit sa hagdanan ng department namin. Tapos na ang klase ko kaya kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Marami ang taong kapag naririnig ang salitang “ escort “ ay iisipin nila na madumi, bayarang babae, kung sino lang ang tinitikman at iba pa. Hindi ko naman sila masisi kasi kahit nuon ay hindi ko ma- imagine na gagawa ako ng ganung trabaho pero ito ako, naghihintay ng tawag para sa panibagong kliyente na pagsisilbihan ko ngayong gabi. Madali lang ang pera kaya ko ‘to kinuha. Kulang kasi ang pera na nakukuha ko sa pagiging tindera sa isang sari-sari store para sa pag-aaral ko. Kahit na State University ako nag-aaral ay marami parin binayaran. Kahit nga floorwax kargo pa rin naming mga estudyate. “ Alta!” narinig kong tawag sa akin ng kung sino. Paglingon ko ay nakita ko si Marivic. Isa rin siya sa nagtatrabaho sa casa. Matagal na siyang nagtatrabaho bilang escort at kagaya ko rin ay nangarap din siyang makapagtapos ng pag- aaral. “O, bakit?”. Maganda ang babae. May balingkinitang pangangatawan, maputi ang kaniyang kutis at masasabi kong may lahi siyang engkanto dahil sa taglay niyang ganda. “ Papasok ka na ba ngayon? Balita ko ay maraming business man ang naghahanap ng escort at ang casa daw ang napili para sa services ah, paniguradong tiba-tiba tayo ngayong gabi.” Talagang makikita ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya dun, eh kapag ganitong pangyayari ay talagang malaki ang ibinibigay nilang tip. Makulimlim ang kalangiran ngunit hindi ito naka- apekto sa saya na nararamdaman ko ngayon. Naglalakad ako patungo sa maliit kong bahay. Ang kalahati nito ay gawa sa semento at ang kalahati naman ay kahoy. Dati itong kulungan ng baboy at ibinigay ito sa akin ng may-ari nang nagsilbi ako sa kanila . Alam nilang wala akong kasama sa buhay kaya dahil siguro sa awa ay binigay nila ito sa akin. Hinubad ko ang sapatos bago pumasok. Isinunod ko naman ang uniform ko at nagbihis ng panibagong damit. Ngayon pipili si boss ng mga escort para ipadala sa kaniyang mga kliyente. Napili kong isuot ang itim na bodycon dress. Hanggang hita ito kaya kitang kita ang makikinis kong binti. “ Everyone. Listen up!” Gabi na kaya pinatawag kaming lahat sa office niya. Malawak ito kaya sakto ang higit bente katao. “ Alam kong gusto niyong lahat mapili dahil lahat naman tayo ay gustong kumita but my client wants a specific characteristics and appreance. Hindi ito simpleng event lang kaya kinakailangang hindi tayo papalpak. Bigatin ang mga kliyente natin kaya masusi ang pagpili.”Natahimik ang lahat. Lahat ng mga escort sa Casa Hermosa ay hindi lang ganda kundi pati narin ang utak kaya marami ang gustong kumuha na kliyente. Tulad ng inaasahan ko, isa ako sa nakakuha ng kliyente pero ‘yun nga lang, hindi ko pa alam kung maganda ba ang ugali ng lalaki. Byernes pa lang kaya may panahon pa ‘kong mag research tungkol sa kliyente ko. Wala akong tiwala sa lahat ng taong nakapaligid sa akin dahil para sa’kin, kahit gaano pa kayo ka close ay kaya ka paring traydorin. Sabi ni boss ay anak daw ng may-ari ng Hillary Holdings ang lalaki. Isa ito sa pinaka malaking kompaniya dito sa Cebu at tinitingala ito ng lahat ng mga negosyante , dahil sa taglay nitong talino sa negosyo. Sa palagay ko naman ay may katandaan na ito, dahil sa nakita ko sa internet ay nasa lagpas kwarenta na ang anak na namumuno. Hindi lang ako sigurado dahil hindi naman updated ang news tungkol sa kanila. Masyadong masekreto. Sana lang ay hindi ito kuripot. Linggo pa gaganapin ang event. Sabado pa lang ngayon kaya igugugol ko nalang ang araw ko sa paglalaba ng marurumi kong mga damit at saka gagawa narin ako nga mga activities sa isang subject ko. Lunes hanggang Byernes ang pasok ko kaya libre ako kapag weekends. Mabuti na nga lang at natapos ko ang National Service Training Program or NSTP last year kaya wala nakong pasok tuwing Sabado. Isinuot ko ang isang hikaw sa magkabila kong tainga. The event will be happening tonight at some sort of resort. I am not quite sure the details pero sabi ng boss ko ay sa Granada Beach Resort ito gaganapin. Nagdala lang ako ng maliit na duffle bag— laman nito ang dalawang pares lang nga damit at two piece in case na gusto kong maligo sa dagat. Sanay nako sa trabahong ‘to pero hindi ko parin iwasan na kabahan, lalo na ngayon na ito ang unang malaking tao na magiging kliyente ko. I’ve been practicing to conquer my emotions para walang magiging problema sa trabaho. Sinundo ako ng isang mamahaling sasakyan. Sabi ni Manong driver ay nasa opisina pa ang boss niya kaya inuna muna akong sunduin. Dalawang oras ang byahe namin para marating namin ang resort kaya hinanda ko na ang sarili ko kung sakali man na hindi maganda ang kalalabasan nito. Alam ko sa sarili ko na masyadong akong judgemental, lumaki akong walang ibang inaasahan kundi ang sarili ko kaya palagi kong iniisip ang makakabuti sa’kin. Nakarating kami sa building na pagmamay-ari ng kliyente ko. Hindi nako bumaba dahil hindi naman kami magtatagal dun. Not too long and I saw in my peripheral vision a shadow of a man. I looked at it and I knew that it’s my client for tonight. He has a broad shoulders, slick back hair and approximately a six footer. I didn’t expect that he would be this huge! Napaayos ako ng upo. Nasa likuran ako. Alam kong kung hindi ako lilipat sa driver’s seat ay magtatabi kami dito sa likuran! Natural lang naman dahil sa kaniya naman tong sasakyan. The audacity of me to think that I have a choice though. Akma akong lalabas para lumipat sana sa harap but I stopped when I hear a low, deep voice from the other side of the car. Bumungad sa akin ang kaniyang mapanlisik ngunit nakakabighaning mga mata. It’s a mix of hazel and amber. I can’t distinguish his race but I can say that anyone that would lay their eyes on him will fell into its charm. Pinigilan kong tumitig sa kaniya ng matagal dahil baka mag-isip pa siya ng iba at baka isa ako sa mahulog sa patibong sa malumanay niyang mga mata. Ni minsan ay hindi ko hinayaan mahulog ang sarili ko sa kahit na sinong lalaki, lalo na ngayon . Nung bata ako ay minsan ko na ring pinangarap na umibig, maikasal at saka magkaroon ng pamilya but as I grow up, I learned the struggle of providing one’s need— how much more kung marami kayo at isa pa , I’m not ready in all aspects to commit a relationship. The silence in the car is deafening. He didn’t utter any word since we departed and so did I. It’s not my habit to ask questions in my clients. I am here because of work and I don’t want to mix my work with personal matter. We stopped by at the restaurant na nadaanan namin. I supposed he doesn’t have his dinner yet. The driver went out in the car. Nag tak-out lang ito ng pagkain and then he immediately started the engine and left. I am silently asking myselt kung hindi nalang sya kuamain but then I remembered, it’s non of my business. Isang oras na ang nakalipas wala paring umiimik sa amin. As for me , I don’t want to be nosy. Iba ang trabaho na nakalagay sa kontrata at wala akong plano na labagin yun. Dahil sa dala ng pagod at antok ay hindi ko na mapigilan na mapapikit hanggang sa tuloyan na nga akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD