I Ngiting-ngiting nakatingin kay Rom ang chinitang tumawag sa pangalan niya. Nakatingin lang si Theresa kay Rom. Hindi alam ni Rom o ngingitian din o ngingiwian ang chinitang nasa harap nila ngayon ng table na ino-occupy nila. To be safe, tinanguan lang ni Rom ang chinitang babae na di niya na nga matandaan ang pangalan. Kaso mukhang di maka-intindi ang chinitang babae. Bigla ay umupo ito sa upuan sa may tabi ni Rom at ngiting-ngiting tinitigan si Rom. Parang di nakita si Theresa na naka-up sa harap ni Rom. “Naku Rom, alam mo ba that I searched for you after that night…” hindi na naituloy ng babae ang sasabihin dahil sinansala na ito ni Romouldo. “Ahh Miss, apology, but me and my wife are having our honeymoon and this is our first breakfast as husband and wife. If you don’t

