I Nagulat si Don Pacifico ng sabihan siya ni Theresa na gusto nitong ikasa sila ni Rom mamayang hapon sa Mayor. Kung kaya’t pinakiusapan niya ang ama na tawagan nito ang kumapreng Mayor ng bayan nila. Di naman magkandatuto sa pagtango si Don Pacifico at tinawagan nga ang Mayor ng Bayan nila na nataong matalik din nilang kaibigan ni Don Sosimo. Nang sabihan niya sa Theresa na alas tres ng hapon ang kinumpirma ni Mayor ay biglang napangiti pa si Theresa at hinalikan siya sa pisngi. “Salamat Papa,” Pupunta tayo mamaya ng mga around two-thirty in the afternoon. Gustong mapakamot ni Don Pacifico sa nakakalbo niya nang bumbunan. Minsan di niya maintindihan ang takbo ng utak ng kanyang anak. Parang bagyong pabigla-bigla, minsan nasa signal number 1 tapos biglang magsisignal number

