Nagising ako sa paulit ulit na tawag mula sa labas ng pinto... Napamulagat ako bigla dahil, boses iyon ni Eros at paano niya nalaman na narito ako sa kuwarto ng papa niya. Agad akong tumayo, hindi ko alam kung anong gagawin ko o san ako magtatago, pero ng mapansin kong wala ako sa kuwarto ng father in-law ko ay doon lang ako kumalma. "TANGINA EVELIEN! ANO BA!" sigaw nito kaya agad na akong naglakad patungo sa pinto, at ng buksan ko ito ay isang malakas na sampal ang sumalubong sakin. Halos matumba ako sa lakas ng sampal na iyon ni Eros, bagamat nanaig parin ang kaba sa dibdib ko dahil iniisip kong baka nalaman na niya ang tungkol samin ng Papa niya kaya siguro ngayon ay galit na galit siya. Napahawak ako sa pisngi ko at agad na minatahan siya. "BAKIT KA NAGLA-LOCK NG PINTO!" sigaw nit

