Chapter 10: Marco Benitez

1755 Words
"Hi, I'm Marco Benitez," a man smiled after sitting beside me "Narinig ko nga kanina," simpleng sagot ko sa kanya. Mukhang nagulat naman s'ya sa inakto ko. Sobrang pogi n'ya kasi kaya pakiramdam ko, kapag ngumiti ako sa kanya ay iisipin na n'ya na malandi ako. Napakamot s'ya ng batok. "Gusto ko kasing malaman ang pangalan mo kaya nagpakilala ulit ako sa'yo." I focused on the board in front. Kung hindi ko gagawin 'yon, pakiramdam ko ay mag-ba-blush ako. "Kimberly," simpleng sagot ko. "It's nice to meet you, Kimberly," swabeng sabi n'ya. When I look at him, he's already talking with our other classmate. I quickly looked away when he turned to my direction. Everyday, he'll greet me 'good morning' and I'll just nod a little at him. I'm sure he's thinking that I am suplada. But what can I do? I feel like blushing every time he gave me attention. I didn't know that this will be my reaction to my first crush. I am intimidated. "Wow, Kimberly! Perfect ka na naman. Ang talino mo talaga. May kapintasan ka ba maliban sa pagiging masungit mo?" nakangising tanong ni Marco habang tinitignan ang resulta ng first grading examinations namin. Hindi ko na mapigilan ng mag-blush habang nakatingin sa kanya. "Baka tumandang dalaga ka n'yan. Sayang naman kung hindi ko maibibigay ang apelyido ko," may lambing sa boses n'ya at napakagat pa s'ya sa ibabang labi n'ya. "H-Huh?" medyo natameme ako. Nag-iwas s'ya ng tingin at nakita ko na pumula ang mukha n'ya. "W-Wala." Narinig kami ng nasa likod namin kaya tinukso kami. Mula noon ay palagi na kaming tinutukso. At nang mag-Buwan ng Wika ay kami ang pinili para i-represent ang section namin. "Ayoko po, Miss Pregonero. Wala po kaming pang-gastos para sa ganyan," nahihiyang sabi ko. Alam naman ng lahat na scholar lang ako at hindi ako tulad nila na anak-mayaman. "I understand, Kim. Pero okay naman sa'yo, Marco?" tanong ng adviser namin. Tumingin sakin si Marco. At nagulat ako nang hawakan n'ya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa naming dalawa. "Kung hindi po si Kim ang partner ko, ayoko po. Pilitin nalang po natin s'ya na hahanap nalang tayo ng sponsor para sa gown n'ya," seryosong sabi n'ya. Parang may kung ano sa t'yan ko na kumikiliti sakin. Tinukso na naman kami ng mga kaklase namin. Sa huli ay pumayag na rin ako dahil hindi ko kayang isipin na iba ang magiging kapareha n'ya. "Sobrang ganda mo talaga," puri sakin ni Marco nang lumabas ako ng fitting room. Suot ko ang Filipiñana na rerentahan ko para sa event. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa kilig. 'Yong titig n'ya kasi sakin, pakiramdam ko ay malulusaw na ako. Tuwing uwian ay nag-i-stay pa kami sa school para sa practice ng lakad at ng mga gagawin sa event. "There will be an intermission number by the candidates," anunsyo ng baklang organizer. Pinagbotohan namin kung ano'ng folk dance ang sasayawin namin at nang makapili ay agad na kaming tinuruan ng mga galaw. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko sa t'yan ko habang mahigpit na hawak ni Marco ang kamay ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang sumuka sa kilig. "Ang poker face mo naman, Kimberly. Parang labag sa loob mo 'tong pakikipagsayaw sakin," nakalabing sabi ni Marco. Umiling lang ako. Kung alam mo lang, Marco. Nasita na ako ng baklang choreographer dahil sa pagiging stiff ko. "I think we should go out," sabi ni Marco habang naghahanda kami sa pag-uwi. Tapos na ang practice ngayong araw kaya pabalik na kami sa iniwanan namin ng mga bag namin. Napatingin ako sa kanya at nginitian n'ya lang ako. "Hindi ka kasi komportable sakin. Kaya niyayaya kitang mag-snack para maging friends naman tayo kahit p'ano," kumamot pa s'ya sa batok. Sabay kaming lumabas ng gate ng school. Pumarada sa harap n'ya ang sasakyan na palaging sumusundo sa kanya. Pinaalis n'ya lang naman iyon at saka n'ya hinatak ang kamay ko at dinala ako sa hilera ng mga kainan malapit sa school. "Ano'ng gusto mo, Kimberly?" tanong n'ya habang tumitingin ng mauupuan namin. Nabibigla ako sa mga pinaggagagawa n'ya kaya hindi ko alam kung paano dapat ako kikilos. "K-Kung ano nalang ang sa'yo" nahihiyang sabi ko. I used to be confident of myself. But he's intimidating me. It's the first time that I stuttered while talking to someone. And to think that he's only my age and nothing to be proud of. "E ikaw ang gusto ko," nakangiting sabi n'ya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Kumamot na naman s'ya sa batok n'ya. "Okay lang ba ang burger at fries?" Tumango nalang ako at naglabas ng pera. Medyo nanghihinayang ako dahil nag-iipon ako, pero nakakahiya naman kung s'ya ang pagbabayarin ko. Baka isipin n'ya pa na mapagsamantala ako. "I'll pay, Kimberly. Ako ang nag-yaya," nakangiting sabi n'ya. "Nakakahiya," giit ko. He made face. "Kung gusto mong mag-bayad, ikaw ang mag-yaya sakin. Pero kapag niyaya mo ko, I'll consider it a date." I gasped. He winked at me. "Mas masarap ang pagkain kapag libre," he then chuckled. Araw-araw ay gan'on ang ganap. Hanggang sa ako na ang nagyaya dahil medyo malaki na rin naman ang ipon ko. "You asked me on a date. Does it mean that you like me too?" he smiled from ear to ear. I rolled my eyes on him. "As if." He laughed. "'Wag mo nga akong tarayan nang ganyan, mas nagugustuhan lang kita e." Binato ko nalang s'ya ng nilukot na tissue paper dahil naramdaman ko na naman ang pag-pa-party ng mga kung ano sa t'yan ko. Sa tingin ko ay medyo naging close kami ni Marco hanggang sa dumating na ang araw ng contest. Kinakabahan ako pero nilalakasan ko ang loob ko dahil nakita ko na proud si Nanay sakin. Ginalingan ko talaga at binigay ko ang lahat ng kaya ko pero hindi ako nanalo. First runner up lang ako dahil si Winona San Jose ang nanalo. Gusto kong isipin na nanalo lang s'ya dahil anak s'ya ni kapitan, pero naisip ko rin na baka nga mas higit lang talaga s'ya sakin. Umalis na ako ng backstage matapos ko mailigpit ang mga gamit ko. Usapan na namin ni Nanay na sa may gate na n'ya ako aabangan. Sakto na pagdaan ko sa gilid ng stage ay ang pagbaba ng mga nanalo. Katatapos lang yata ng pag-picture sa kanila. "Uhm, gusto sana kita yayain kumain sa labas," sabi ni Winona kay Marco habang inaalalayan s'ya nito pababa ng hagdan sa gilid ng stage. Nakaabistre pa s'ya sa braso ni Marco dahil silang dalawa ang nanalo. Nasalubong ko ang tingin ni Marco. Napaawang ang labi n'ya nang makita ako. Tinuloy ko nalang ang paglalakad ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panibugho. Bigla ay ininda ko ang mga wala sakin. Kung sana ay kapantay nila ako, hindi ako manliliit sa kanila. Ayoko man, ay nakaramdam ako ng inggit kay Winona. Dahil may kompyansa s'ya na yayain si Marco nang gan'on dahil pantay sila. "I'm sorry but I have to decline your offer. I like Kimberly Agatha Magno, and I intend to be exclusive for her. Even it's just a friendly date, I don't want her to feel that there's someone else aside from her." Malakas ang pagkakasabi n'ya n'on kaya rinig na rinig ko. At sigurado na narinig din iyon ng iba. Napahinto ako sa paglalakad ko at napalingon sa kanya. Inalalayan n'ya si Winona hanggang sa dulo ng hagdan. Nakita ko ang awkward na pagtawa ni Winona. "A-Ah. F-Friendly date lang naman sana. S-Sige, una na ko," napapahiyang sabi ni Winona. Patakbong lumapit si Marco sakin. Ramdam ko ang panonood ng mga tao samin. "Okay lang ba na intayin mo ko dito? Kukunin ko lang 'yong mga gamit ko. Promise mabilis lang," nakangiting sabi n'ya sakin at hawak n'ya pa ang mga kamay ko. Wala sa sarili na napatango ako. Mabilis na umalis naman s'ya at patakbong tinungo ang backstage. Agad na tinukso ako ng mga kakilala ko na nakasaksi sa nangyari. Hindi ko na napigilan ang mapangiti Nang bumalik si Marco ay kinuha n'ya sakin ang bag ko. Halatang nagulat si Nanay na may kasama ako. "Good evening po, Ma'am. Gusto ko po sana kayong i-invite mag-diner," magalang na sabi ni Marco. Mapilit si Marco kaya hindi na din nakatanggi si Nanay. Nagtungo kami sa isang grill malapit sa school. Nang makaupo na kami sa napiling pwesto ni Nanay ay nagpaalam si Marco na may bibilihin lang. "Mag-ano kayo?" tanong agad ni Nanay nang mawala si Marco sa paningin namin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. "Mag-kaklase," naiilang na sagot ko. "E bakit namumula ka?" tukso pa sakin ni Nanay. "Hindi kaya," nakairap na sagot ko. Nang makabalik si Marco ay binigyan pa ako ni Nanay ng nanunuksong ngiti. Nang dumating ang mga order namin ay magana kaming kumain at nag-kwentuhan. Medyo conscious lang ako sa mag kilos ko dahil sa presensya ni Marco. "Engineer po kasi si Papa. Nilipat s'ya ng kompanya dito. Dati po kami sa Cebu," kwento ni Marco. "Masaya nga po ako na napadpad kami dito," nakangiting sabi n'ya sabay sulyap sakin. Napaubo naman ako bigla. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang hagurin n'ya ang likod ko. Nang matapos kaming kumain ay pinaalam ako ni Marco kay Nanay. Magpapasama lang daw s'ya na kunin ang binili n'ya kanina. "Ano ba'ng binili mo?" tanong ko habang naglalakad kami. Malapit ang school namin sa simbahan at magkakasunod ang mga tindahan. Lahat yata ay nandito na sa area na 'to. "Basta. Para sa isang taong espesyal," nakangiting sabi n'ya. "Hintayin mo nalang ako dito." Umupo naman ako sa isang bench. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa panonood sa mga tao habang iniintay ko s'ya. Seryoso kaya si Marco o binobola n'ya lang ako? Nang bumalik si Marco ay nasa likod ang mga kamay n'ya. Ngiting-ngiti s'ya sakin. Kumunot ang noo ko. "Ano'ng binili mo?" tanong ko. Kinagat n'ya pa ang ibabang labi n'ya habang nakangiti. Parang may surpresa s'ya sa ekspresyon ng mukha n'ya. Napasinghap ako nang ilabas n'ya mula sa likod n'ya ang isang flower crown. It was made of pink and white peonies. My jaw fell when he put it on my head. "I don't know how they judged, but for me you're the prettiest. You're my queen and nothing can change that," he seriously said then he lean to kiss my forehead. I felt the erratic beating of my heart. I am not sure, but I think I fell for him that night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD