"Son, hayaan mo muna sya. It's still painful for her anak. You all hurt her, hindi lang isa, pito kayong nanakit sa kanya. And she was also physically hurt by that bitch.", saad ng ina ni Crust. Kung noon pa lang ay nalaman na nya na may nobya ang kanyang anak, sana ay hindi na lang sya pumayag na maka-love team nito ang malditang Charlotte na iyon. "Ma, naririnig mo ba ang sarili mo? Dala nya ang anak ko. Bakit parang ang dali lang sa'yo na sabihin yan?", galit na sagot ni Crust. Nasa hotel sila na pinakamalapit sa tinitirhan ni Lira, napilitan syang sundin ang gusto ng dalaga. "Why son? Are you after her just because of your children?" galit na saad ng ginang. "Of course not!! You know how I suffer for that seven hell months Ma! Sa loob ng pitong buwan na iyon, wala akong ginawa kundi

