Isa isang nilalagay ni Lira ang kanyang mga damit sa cabinet ng dating kwarto ni Kay, pinakiusapan sya ng matalik na kaibigan na lumipat na doon dahil napagpasyahan nito at ng kanyang boss na magdamag na sa condo ng lalaki. "Mapapa-sana all ka na lang talaga." pagkausap nya sa sarili habang inaayos ang pagkakalagay ng damit sa aparador. Pagkatapos nito ay magluluto naman sya ng hapunan. "Hays, I'm alone." Nang matapos ay nakaramdam ng pagod ang dalaga, kaya't ang pinaplanong pagluluto ay nauwi sa pag-order nalang sa isang fast food app. "Thank you kuya, I'm so gutom na kasi.", ani Lira at saka inabot ang bayad sa rider ngunit hindi ito agad tinanggap ng huli, inalis muna nito ang kanyang helmet atsaka kumilos upang kunin ang pagkain ng dalaga sa insulated bag. Napatulala si Lira sa ka

