Lumipas ang buong magdamag at maghapon na talagang sinulit ng magkasintahan. Hindi sila lumabas ng bahay, nagpadeliver lamang sila ng makakain. Bawat minutong lumilipas ay napakahalaga sa kanila, at talagang hindi matawarang saya ang kanilang nararamdaman sa piling ng isa't isa. Gayunpaman ay nalulungkot si Lira dahil dumating na ang oras na kailangan nang bumalik sa trabaho ng kanyang nobyo, at hindi nito masabi kung kailan sila muling magkakasama. "Please smile for me life." pilit na pinagagaan ni Crust ang pakiramdam ni Lira. "I promise to be with you pag nagkaroon ng pagkakataon, o kapag nakatakas ako.", he smiled as he said that. Kahit paano'y masaya na din sya dahil nagkaroon sila ng mahabang oras para sa isa't isa, at siguradong sigurado sya na pagkatapos ishoot ng kanilang telese

