Angelica Lyre Cuevas Lumipas ang mga araw sa amin ni Crust sa set up na kaswal, I mean hindi kami affectionate and showy sa labas dahil nga maraming mata na nakatuon sa kanya, ang totoo nyan hindi din alam ng mga kaibigan namin ang real score sa pagitan namin. Gusto nyang ipaalam pero kinontra ko, dahil magiging tampulan lang kami ng tukso ng mga ito, pwede kaming kumilos sa nais namin pero ayoko ng masyadong PDA. Hindi rin kami nagde-date in public. Okay lang naman sa akin, naiintindihan ko iyon dahil, hello! ayokong makuyog ang beauty ko ng mga possessive na fans ng jowa ko. Sapat na sa akin na alam kong, ako ang nag-iisa at tunay na nagmamay-ari sa kanya. Oh diba, haba ng hair ko sa part na yon. Masaya din ako dahil lately ay nagiging okay na sila ng Mama nya, I'm really happy for Crus

