Angelica Lyre Cuevas Muli akong bumaling nang dahan dahan sa aking kanan, at mula dito ay tanaw ko ang mga kumag habang natutulog. I let them sleep here, gusto kong maranasan nilang lahat ang naging paghihirap ko nang tumira ako dito. Kahit kaunti lang gusto kong maramdaman nila ang hirap na syang kinahinatnan ng ginawa nilang lahat sa akin. Hilehilera sila sa baba, si Kay, Sir Vince, Willard, Yuri, Simon at Feigh. Luminga ako, bakit kulang? Tinukod ko ang siko ko at inangat ang aking kalahating katawan upang mas silipin pa, baka katabi lang ni Feigh, pero wala talaga. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto, agad akong humiga muli at tumalikod mula doon. s**t, hindi ako nakapagkumot! Hantad pa naman ang mga hita ko dahil nakabestida lang ako. Nagkarambola ang dibdib

