Angelica Lyre Cuevas Pagbukas ko ng pinto ay kadiliman ang bumungad sa akin, nanghihinang napaupo ako sa sofa. Ayokong buksan ang ilaw, dahil pag ginawa ko iyon, makikita ko kung saang mga lugar dito nagpunta si Crust. Kung saan nya paboritong umupo, humiga, magkape, lahat iyon babalik sa akin, kaya't mas okay na iyong ganito. Sinong mag-aakala na ganito lang pala kabilis matatapos ang buhay pag-ibig ko, na sa ganito kasakit iyon magwawakas. Awtomatiko na naman ang paghiwa sa aking dibdib, ang kirot ay walang kapantay, ano pa bang mas sasakit pa dito. Inilabas ko ang aking cellphone, kailangan ko ng kausap, hindi ko kakayanin ito nang mag-isa. Ang aking ina ang unang pumasok sa aking isip. I dialled her number, hindi ko alam kung sasagot pa sya dahil late na. "Oh anak, kumusta? " inilag

