CHAPTER 4

1527 Words
Hindi lubos maisip ni Lira kung paano nasabi ni Crust ang ganong mga bagay na parang wala lang. Matapos sya nitong alukin na maging girlfriend nito sa gusto nyang halaga ay talagang nag-iba ang pagtingin nya sa binata. Hinahangaan nya ito pagdating sa pag-arte at pagkanta. Pero ganon pala yata talaga ang mga artista. Marami kang madidiskubre na hindi mo inaakala. Ipinagpatuloy ni Lira ang pagbabanlaw sa mga damit na nilabhan nya. Gaya ng karamihan, tuwing sabado at walang pasok ay labahan day para sa kanya. Kaunti lamang naman iyon, mga damit lang kasi nya ang kanyang nilalabhan. Ayaw ng kanyang tiyahin na isama pa nya sa paglalaba ang mga damit ng mga ito. Hindi nya daw ito responsibilidad. "Ay kipay!", nagulantang siya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Nakita nyang unknown number yon pero sinagot parin nya, baka rider na maghahatid ng order nya online. "Hello?"panimula ni Lira "I'm outside." Hindi na nagtaka si Lira kung sino iyon, dahil alam na nya kung kaninong boses ito. "Oh ngayon?", pagtataray nya. Bwisit talaga sya sa paraan ng pakikipag-usap nito. Akala mo diyos kung maka-demand. Ang akala ba ng lalaking ito ay susunod sya sa lahat ng gusto nya porke't artista sya at sikat. "I want to talk to you , Cuevas", may diin sa bawat utos na iyon ng lalaki. "Gusto mo?", tanong pang muli ni Lira. "Yes." "Ang tanong, gusto ko ba?", pamimilosopo nya. Siraulo ka ah! Wag ako Crust!! "Get out here now!", malakas na boses ni Crust sa kabilang linya. "No!", matigas na sigaw ni Lira at tinapos ang tawag na iyon. Ipinagpatuloy nya ang ginagawa. Mabuti nalang at hindi na nangulit pa si Crust at natapos nang matiwasay ang paglalaba ni Lira. Nang maisampay ay nagpasya na syang pumasok sa loob ng bahay, nasa likuran kasi ang labahan ng tiyahin nya. Ganon na lamang ang gulat ni Lira nang mabungaran ang lalaking ayaw na nyang makita kahit na kailan. Komportable itong nakaupo sa sopa at pailalim syang tinitingnan. May problema talaga sa utak tong taong to eh., wika ng isip ni Lira. Dirediretso syang naglakad patungo sa sala at sinamaan ng tingin ang bisita. "Ante, bakit ka nagpapasok ng hindi kilala? Baka mamaya mamamatay tao ito eh.", sigaw ni Lira dahil nasa kusina ang kanyang tiyahin. Ang kanyang masamang tingin ay nakapako lamang kay Crust. Narinig nya ang tunog ng tisnelas nang palapit nyang tiyahin. "Naku kang bata ka, nakakahiya naman sa bisita mo. Ikaw ang inahanap nyan.", wika ng kanyang tiya sa tono ng diyalekto sa kanilang probinsya. "Pasensya ka na iho at talagang maloko itong batang ito ay.", baling ng matanda kay Crust. Ang lalaki ay wala manlang reaksyon o emosyon na ipinakita. Tila naman nailang ang matanda kaya't nagpasya na itong bumalik sa kusina upang ipagpatuloy ang niluluto. "O maiwan ko na laang kayo dyan at ako'y magaluto pa ng pananghalian.", anang tiyahin ni Lira at iniwan na ang dalawang nagpapatayan ng tingin. "Ano pa bang kailangan mo?", inis na umpisa ni Lira. Kailan kaya sya titigilan ng lalaking ito. Nasabi na nya ang sagot nya sa offer nito. Bakit hanggang ngayon ay pasunod sunod padin. "You know why I am here Cuevas. I am not accepting your No.", matigas na wika ni Crust at bahagyang bumaba ang tingin sa dibdib ng babae pababa. Kita nya ang basang damit ng babae kaya bumakat nang husto ang dibdib nito. "Ang hirap din talaga makipag-usap sa bobo, juice colored.", problemadong usal ni Lira na kinusot pa ang ilong. "Change your clothes first before talking to me. It's kinda annoying seeing you like that.", tumaas pa ang kabilang kilay ng lalaki habang sinasabi ang mga salitang iyon. Napanganga si Lira sa sobrang pagka-bossy ng lalaki. "Ysrael, wag mo akong mautus utusan ha! At isa pa, andito ka sa loob ng pamamahay namin. Wala ako sa public place na kailangang mag-abala para maging maayos ang pananamit sa paningin mo. Ikaw ang pumasok dito, kaya pagtiisan mo kung ano ang nakikita mo." pinahalata ni Lira ang inis sa boses nya. Kita nya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Crust. Siraulo talaga! "Well, if that's what you want. I'll just enjoy looking at your n****e and p***y that is trying to get out of that piece of your shitty short shorts.", tiim bagang na sabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Lira at sinipat ang sarili. Basa ang ilang bahagi ng katawan niya, at hayop na yan. Wala nga pala syang bra!! Tangina! kahapon pa tong lalaking to nangmamanyak ah. Ayaw na ayaw ni Lira na nananalo sa giyera nila ang lalaking ito kaya hindi nya ipapakita dito ang pagkapahiya. "Okay, enjoy. Sabagay, yung iba nahawakan na yan. Ikaw, hanggang tingin lang naman, so okay lang.", sabi ni Lira ngunit nanginginig ang himaymay ng kanyang laman. Sana umalis na tong buwisit na lalaking to. Dasal ng isip ni Lira. Kita nya ang pagtitiim bagang ni Crust at ang lalong pagkunot ng noo nito. Dumoble ang t***k ng kanyang puso nang sa isang iglap ay tawirin ni Crust ang pagitan nila at galit syang hinaklit sa braso. "Don't do stupid things woman! Make sure na ako ang huling makakakita at makakahawak sa mga yan! Wear something nice when you're without me!", asik ng lalaki. Ay wow! Talaga ba? usal ng isip ni Lira. Mabilis na binawi ni Lira ang braso at tinapatan ang nakakapasong tingin ng kaharap. "Ipapahawak at ipapakita ko yan kung kanino ko gusto! Katawan ko ito at wala kang pakialam!", galit ding saad ng babae, ngunit sa totoo lang ay para nang gustong bumigay ng mga tuhod nya sa sobrang kalabog ng kanyang dibdib. Pati tyan nya ay sumasakit na. Para na syang natatae. "Well, sorry lady because you the moment that I laid my lips on yours, you are mine. Those beautiful things are mine." matigas na sabi ng lalaki. Hirap na hirap na si Lira na itago ang kanyang emosyon pero ginagawa nya ang lahat ng kanyang makakaya. "Patawa ka!", ganti ni Lira. "Halik lang yon Mister! Hindi lang ikaw ang nakahalik sa akin. Wag mong gawing big deal yon at wag kang umastang virgin!", dagdag pa ng dalaga. " Really? You kissed someone before me?", ngising tanong ni Crust. "Marami na boy! Maraming marami. Kaya wag kang feeling special, Hindi ka siopao!", bulalas ni Lira. Pigil ang kanyang hininga nang lumapit pa ito at halos ilang dangkal na lamang ang kanilang pagitan. Halos ramdam na nya ang hininga ng lalaki. "Are that dumb not to learn how to respond a kiss in a right way kung marami na ngang nakahalik sayo?" pang-uuyam ng lalaki. "Really Angelica Lyre? So If it's not a big deal for you, we can do it over and over again, right?", halos pabulong na wika nito. Amoy na amoy na ni Lira ang napakabangong hininga ng kausap. Ang kanyang labi ay naiwang nakanganga na tila gusto nang sumuko at bumigay sa bwisit na lalaking kaharap. Pilit nyang itinulak si Crust at umatras. "Namimili naman ako, yummy ako eh", pang-aasar niya. Hindi sya pwedeng magpatalo kung hindi alam na nya ang kahihinatnan nya sa bandang huli. Hindi nakaligtas sa mga mata nya ang pagngisi ng lalaki. "I know baby. I tasted how yummy you are.", pagsang-ayon nito. Lalong kumabig ang dibdib ni Lira sa narinig. Manyak talaga! "Alam mo nakakaumay ka kausap. Sabihin mo na kung ano pang kailangan mo, tapos labas ka na tapos wag ka nang magpakita sakin. Malinaw?", mahabang pahayag niya. Tuluyan syang lumayo sa lalaki at humalukipkip sa harapan nito. "Two million.", biglang saad nito. Lito nya itong tiningnan sa mga mata at hindi naman sya inatrasan ng lalaki sa titigan. Sya rin ang unang bumigay. "Para ka talagang tanga kausap. Ewan ko sa'yo.", ani Lira at akmang tatalikuran na si Crust ngunit muli itong nagsalita. "Two million in exchange of being my girlfriend.", walang gatol na sabi nito. Mabagal na humarap si Lira at pinakitaan ng tinatamad na mukha ang lalaki. Panaka naka nya ring kinakamot ang kanyang kanang kilay. "Napakaliit na halaga kapalit ng kamatayan Mr. Crust Ysrael.", maikli nyang tugon na ikinatigagal ng lalaki. Talaga bang ganon nalang ang pagkamuhi sa kanya ng dalagang kausap.Si Eunice na anak ng isa sa pinkamayamang negosyante sa bansa ay halos magpakamatay na para sa kanya, tapos itong babaeng ito ay ganon nalang kung tanggihan sya? Hindi nya maintindihan, parang sa tuwing kasama nya ito ay napakapangit nya. "Kamatayan?", inis na ulit nya. "Yes, Mr. Ysrael. Ang maging girlfriend mo ay katumbas ng pagpapakamatay.", mariin at may paninindigang saad ni Lira. "You hate me that much?" "Yeah, so much.", tugon ng babae. Nagpakawala ng mahinang tawa si Crust na lalong nagpabwisit kay Lira. "Well, hate me all your life baby. I don't f*****g care!", ganti ng lalaki. "You will be my girlfriend whether you like it or not.", mabilis itong lumapit kay Lira. At namalayan na lang ng babae na humahagod sa kanyang labi ang mga labi nito at naramdaman nya ang pagpisil nito sa kabila nyang dibdib habang ang isang kamay ay sumasalo sa kanyang baywang. f**k you Crust Ysrael! f**k you! sigaw ng utak ni Lira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD