ANG AKING PERFECT GIRLFRIEND J Topic: College Type: Fiction Part 20 Kay Ned pa rin... Kaka-bati lang namin ni Jess. Pag nabuking ni Jess yung pinaggagawa namin ni Ate Sofia siguradong lagot na talaga ako kay Jess. "Aahhh... really iha? ", tanong ni Tito Victor. Napa-direcho tuloy ako ng upo. Si Jess naman nakatitig sa Ate nya. Nagkatitigan ang magkapatid. Lagot na!! Wag Ate Sofia! Kinakabahan akong isipin na baka biglang magmatigas si Ate Sofia e isa pa rin itong may topak minsan. Si Jess nanginginig ang katawan. Si Ate Sofia nakangiti pero alam mong naka-handa. Pilit kong tinitingnan sa mata si Ate Sofia. Pasimpleng sinesenyasan kong isang mata ko na tumigil na. "Girls... Girls... ", mahinahong sabi ni Kuya Leo. Parang nararamdaman nya ang tensyon sa ere. Nang biglang magsali

