ANG AKING PERFECT GIRLFRIEND J Topic: College Type: Fiction Part 25 Kay Grace... Andito kami sa bahay nila Ate Kristine. Si Kuya Ned ko nakatayo sa may tabi ng kabaong nya. Tahimik na pumapatak ang mga luha ni Kuya sa salamin ng kabaong ni Ate Kristine. Tapos papahiran nya ng braso nya ang mga mata nya at ang natuluang salamin. Kawawa naman ang Kuya ko... Naiiyak rin tuloy ako... Simula nung nawala si Ate Jess lagi nalang syang malungkot at umiiyak. Tapos ngayon si Ate Kristine naman. Wala na tuloy tigil sa pag-iyak si Kuya. "Huhuhu... sniffft... ", singhot ko rin kasabay nang kay Kuya Ned ko. Nakaupo kami ni Kuya Nino sa isa sa mga upuan sa harapan para sa burol ni Ate Kristine. Sala ata ito ng bahay nila. Maraming tao... Mga kaibigan, klasmate at mga kamag-anak ni Ate Kristin

