Jorjette Rose
Habang nag lalakad sa lobby patungong office ng Chairman ay kanya kanyang bati at ngiti ang sinasalubong sa akin ng mga staff.I simply nodded as a response but never smiled back at them.Pagkarating sa harap ng lift ay naabutan ko ang mga empleyadong papasok pa lamang ngunit ng makita nila ako ay mabilis pa sa alas kwatrong nag pulasan ang mga ito.Nang makapasok na sa loob ay agad ako humalukipkip at pinagmasdan ang mga ito ng may seryosong tingin.
“What the hell is wrong with all of you?”
Tanong ko sabay bahagyang baba ng sunglass.
“Get in.”
Halos magkandarapa ang mga ito na tila nag dadalawang isip pa kung sino ang mauuna pumasok.
“You? which floor are you?”
“Pppp..po? a-ako po?”
Buong pag tataka ko itong pinagmasdan.
“Maiba pa ba akong kausap dito?”
“W-wala po.Ahm.. sa fith floor po ako ma'am.”
Sagot nito ng nakayuko.Muli kong binalingan ang isa at tinanong kung saang floor din ang tungo nito at saka pinindot ang mga buton hanggang napindot ko na lahat ng buton kung saan tutungo ang mga ito.Muli akong humalukipkip.Saglit akong natigilan nang marinig ko na tila kilig na kilig na nagbubulungan ang mga ito.Ngunit mabilis ding itinikom ang bibig na tila ba iziniper nang sandali kong lingunin ang mga ito.Nang tumunog na at nag bukas ang lift kung saan naroon ang office of the chairman ay mabilis na akong nag lakad palabas.Agad bumungad si secretary Lim at magalang akong binati.
“Chairman is inside.He's waiting for you.”
I smiled a bit and sigh deeply before pushing the door.
“Pinatawag n'yo daw ako?”
I lazily asked while sitting on a sofa.
“I heard sinibak mo raw sa trabaho ang body guard mo so i decided to i hire a new one.”
“What? i fired him because i hate someone following me so why hiring another one?”
Inis na sambit ko.
“I'm still your dad.Kaya may karapatan pa rin akong mag desisyon para sayo.”
“Tss, kaya pati personal kong buhay pinanghihimasukan mo pa rin?”
“Watch your mouth little brat.”
“I'm not a little girl anymore.Simula nang tinanggap mo ang mga basurang yun sa pamamahay ng mommy ko--
“Jorjette Rose you better stop calling them trash.Remember, Atasha is your eldest sister.”
I chuckled as if he said something very funny.
“My sister? huh,don't make me laugh dad.She's not my sister.A person is only called a sibling if they are the children of both their mother and father.Atasha is your child with another woman so technically, Atasha is the result of your infidelity and that makes her trash.”
I said while smirking but he immediately throw his pen on my face.
“You!..”
Tila nag pipigil nitong sabi.I wasn't surprise that he hit me with his pen.He's been doing it since he let those two trash lives in our house.Kada na nga lang iiyak noon ang pesteng si Atasha puro palo ang inaabot ko kay dad.He never listened.
Pinagpagan ko ang suot kong pulang damit na para bang nag papaalis ako ng duming kumapit sa akin.Tumayo ako sa upuan at muling sinukbit ang bag.Hinawi ko ang aking buhok.Napangiti na lang ako nang makita ko ang bahid ng dugo sa aking daliri mula sa aking noo.I put my black shade on at tinalikuran na ito.
“Where are you going? hindi pa tayo tapos!”
Kusang bumukas ang pintuan at niluwa nun si Lorena.Ang kabit niya.Natigilan ito nang makita ako.
“Jorjette Rose bumalik ka dito! Ahh!”
Dinig kong inda ni dad.
“Honey! ayos ka lang ba?”
Ayaw ko ng madinig pa ang kadramahan nilang dalawa.Such a waste of time.Mabilis akong pumasok ng lift at pinindot ang floor papunta sa roof.Pagkabukas ko pa lamang ng pintuan ay bumungad na sa akin ang malamig na simoy ng hangin.Ang maberdeng paligid dulot ng mga puno na ipinatanim ni mommy noon.May mangilan ngilan akong empleyado na nadatnan doon.
“I want all of you to get out.”
Halos mag pulasan ang mga ito sa takot.Ang isa ay natulala nang lapitan ko ito.Dali kong inagaw ang yosi na bubuksan pa lamang niya gamit ang lighter.
“Kung gusto mong tumagal ang buhay mo itigil mo ang paninigarilyo mo.You people are wasting your precious lives
on useless things.”
“S-sorry po ma'am.”
Sambit ng lalaki at saka mabilis na umalis.Naiwan akong mag isa.Nakahinga ako ng maluwag.Saka ko lamang ibinaba ang itim kong salamin.Pinagmasdan ko ang malawak na lugar na ito.Nilukob ako ng lungkot nang makita ko ang nakaraan.It was me and my mom happily planting those seeds.Tumulo ang luha ko.Pero mabilis akong natigilan nang makita ko ang lighter at sigarilyo na hawak hawak ko pa rin sa aking kamay.
“Ahh shit.These people.”
Sambit ko ng naiiling.
“Bakit ba kung sino yung sinasayang ang buhay nila yun pa yung matagal ang buhay? at yung mommy ko na gustong gusto pa noon mabuhay ng matagal siya pa yung maiksi ang buhay?”
I smiled bitterly but i gasped when someone grabbed my hand at mabilis na inagaw ang sigarilyo at itinapon iyon sa ere.Hindi ako makapaniwala.Sino ba siya?
“And you? who are you?”
manghang tanong ko sa lalaking seryoso ang mukha na nakatitig sa akin.