CHAPTER - 35

2232 Words

ELLAINA Gayon na lang ang pagtatagis ng aking bagang nang matanaw ang mag-asawang Agustin at Samantha sa car parking area ng Mondejar University. Mabilis akong tumalon at tinakbo ang kinaroroonan nila. Kailangan kong makuha si Jarella. "E-Ellaina!" may takot sa mga matang bigkas ni Samantha pagkakita sa akin. "Ibigay mo sa akin ang sanggol!" utos ko sa babae na nakatingin sa hawak niya. Sa halip na sumunod ay niyakap nito nang mahigpit ang bata. "Anak, tumigil ka na! Ilalayo namin si Jarella para iligtas kayong dalawa—" "Ang sabi ko'y ibigay n'yo sa akin ang bata!" pasigaw kong putol sa nagsasalitang si Agustin. Nang hindi pa rin sila kumilos ay inilabas ko ang huling armas na nakasiksik sa katawan. Nanlaki ang mga mata nila pagkakita sa baril na itinutok ko sa lalaki. "Ellaina!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD