ELLAINA Pagkatapos naming mag-usap ay binuhat ako ni Jarred papasok sa kwarto. Maingat niya akong inihiga sa ibabaw ng kama at tumabi sa akin. Magkayakap naming itinuloy ang kwentuhan. "Jarred, paano mo naman natiyak na mawawala ako sa sarili kapag—alam mo na?" pilya kong tanong. Medyo bumalik ang dati kong sigla at kinalimutan ang problema. Ang importante ay kasama ko si Jarred at ligtas si Jarella. "Iyon ang sabi ni Azzerdon. Ayokong magwala kana naman at saktan ang sarili mo," tugon nito habang hinahaplos ang aking buhok. "Hmmm . . . Paano kung hindi naman pala ganoon ang epekto? Alam mo namang may pagka-bobito rin minsan ang kapatid kong iyon." Natigilan ang asawa sa aking sinabi. Ako naman ay pilyang pinagapang ang isang kamay papasok sa loob ng brief niya. "Ellaina! Don't do t

