AZZERDON Para akong tinakasan ng lakas matapos maunawaan ang sinasabi ng anak na si Ace mula sa kabilang linya ng telepono. Noong una ay inakala kong may ikinukulit lang ito pero nang maging malinaw ang sinasabi ng paslit ay tila ako nanigas mula sa pagmamaneho. Nabalot ako ng matinding panlalamig dahil sa takot. "Daddy, please come home! Tita Ganda is here and she's trying to kill Mommy . . . You have to get here Dad, hurry!" Iyon ang buong sinabi ni Ace. Agad akong nag-turn over at pinaharurot ang kotse patungo sa bahay. Dahil sa pagkataranta ay hindi ko na nasabihan si Jarred na halos kasabay ko lang rin na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo. Hinahanap namin si Ellaina, iyon pala ay sa bahay siya nagpunta. Ano naman ang mapapala niya sa asawa ko? Bakit kailangan niyang idamay ang mga

