Nakarating kami nang matiwasay sa bahay. Nakakain nang maingay, nagbangayan na hindi nawawala si Jack ng energy para makipagtalo sa akin. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis, dun nag brownout at dun ko nalang narinig ang napakalakas na kulog at malakas na ulan. Halos hindi ko alam saan ako kakapa sa dilim. Heto na naman 'yong piling ko natataranta na naman ako sa mga mangyayari. Nandiyan na naman ang mga taong pumatay sa pamilya ko at ako na ang kanilang isusunod. "AHHHHHH!" Napasigaw ako sa takot nang marinig ko ang kidlat sa nanggagaling sa bintana. Bahagya kasi iyong bumukas sa malakas na hangin dala ng ulan. Halos hindi ko alam kung saan ako sisiksik dahil sa takot. Na baka nandiyan na sila para kuhain ako at hindi rin ako makaligtas sa kanilang mga kamay. Hindi ko alam an

