JACK ADII'S POV* Napadungaw na lamang ako sa kuwarto ni Cassidy na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalabas. Kinain na siguro siya ng kama niya, hindi ba niya alam na tanghali na? Paano na lamang kung kami'y mag asawa na. Hindi ba niya ako kayang ipaghanda ng almusal? Napatingin naman ako kay Manang Helen na busy ngayon sa kanyang paglilinis. Baka ang sabihin lamang sa akin nun na may katulong naman sa bahay na ito, bakit siya pa. ''Manang, hindi ba ninyo tatawagin si Cassidy sa taas? Tanghali na at hinih--'' ''Ay, naku! Kaya ba andiyan ka, hijo?'' napakunot naman ako sa tanong nito. Ano ang akala niya sa akin? Iba ang hinahanap ko? Hindi ba talaga sa akin sasabay ang babae na iyon at para bang ayaw na ayaw talaga ni Cassidy ang mukha ko. Para bang balak talaga niya akong makapatay

