MAAGANG pumasok sa eskwelahan si Wendy. Nasabi ni Uncle Sam na pupunta ang mga taga-social workers mamayang pag uwi niya. Nakapagpaalam na rin siya sa may ari. Uuwi muna siya sa apartment bago pumasok sa bagong trabaho. 'Di nakapasok si Star dahil sa isinama ito ng parents nito sa business trip abroad. Isang linggo ring mawawala ang kaibigan n'ya. Nakakalungkot na wala siyang kasama sa break time. Iba-blind date pa naman niya ito kay Andrei. Wrong timing talaga. "Ah, Wendiola Maro. Ipinapatawag ka pala ng principal," imporma ng kanilang adviser. "Ma'am, bakit daw po?" "Hindi ko alam, para malaman mo. Puntahan mo na lang sa opisina n'ya." Nagtataka lang siya, bigla ata siyang ipinatawag. Wala naman siyang naalalang ginagawa na labag sa alituntunin ng eskwelahan nila. "Sige po, Ma'am,"

