NAGLALAKAD LAKAD sina Star at Wendy sa mall. Pagkabigay ni Sam ng pera sa kanya ay inaya niya agad ang kaibigan na pumunta sa mall, mamimili sila ng bago niyang mga damit. "Iba rin ang sugar dadi mo. Binigyan ka na ng pang-tuition, may pang-shopping ka pa. Napakabait." Komento ni Star, naupo ito sa malapit na upuan. Napahinto si Wendy sa pagpili ng mga dress na nasa instante. Sinulyapan niya ang kaibigan. "Hindi ko siya sugar dadi. Mabait naman talaga siya, noon pa. Dahil anak na niya ako, obligasyon niyang ibigay ang lahat ng pangangailan ko." Napailing si Star. "Eh, ikaw ba? Ano ba ang turing mo d'yan sa tatay tatayan mo na 'yan?" Pang uusisa ni Star na may ngiting nakakaloko. "Hoy! Ano ka ba! Baka may makarinig sayo. Baka sabihin na pumapatol ako sa tatay ko. Maniwala nga sila na ta

