"DOC. anak niyo po?" Hindi napigilang taong ng assistant nurse ni Sam. Nilingon niya si Wendy na abalang kinakalikot ang phone. "Yes. Siya si Wendy." Pakilala niya at hinarap ang babae. "Ang ganda pala ng anak niyo, doc. Manang mana po sa inyo," puri nito. Ngumiti lang ng payak si Sam. 'Di niya nagugustuhan na napapansin ng iba si Wendy. Bata pa lamang ay pansin niyang may angkin ganda ito. Hindi lang siya ang nakakapansin. Hindi lang babae ang napapatingin dito, kundi maraming lalaki na nurse at mga pasyente sa loob ng ospital. And he hates that. "Let's proceed. Huwag mo ng istorbohin ang anak ko, Ingrid." Iritadong saway niya sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Parang nahiya ang nurse kaya napayuko ito. "Sorry po." Habang may sinasabi si Ingrid sa kanya ay panay ang tingin niya

