"DINALA ko lang itong lamesita mo, hija. Sabi ng mama mo dalhin ko raw dito," tila nahihirapan na sabihin ni Sam ang kanyang sagot. Tila pinagpawisan ng malapot ang kanyang noo.
Tumayo si Wendy at naglakad palapit kay Uncle Sam. "Thank you po sa pagtulong sa amin, Uncle Sam," nakangiting sabi niya.
"Walang anuman. Ako ay magpapaalam na. Baka kailanganin ako ng Mama mo. Mag-aral ka lang ng mabuti," ani Sam.
Tumango si Wendy na mayroong ngiti pa rin ang kanyang mga labi kay Sam.
Pagkatapos nito, tumalikod si Sam at naglakad papunta sa pintuan. Bumalik naman si Wendy sa kanyang higaan at muling nagpatuloy sa kanyang pag-aaral.
Binalikan niya si Amor na inaayos ang mga gamit sa sala. Halos matatapos na nilang maayos ang mga gamit sa bahay.
"Tapos na, Uncle Sam. Salamat talaga sa tulong mo. May inihanda na pala akong meryenda para sa atin. Midnight snack, kahit dito lang makabawi ako sa naitulong mo," saad ni Amor.
Nakatayo si Sam na nakatingin kay Amor. "Nakakahiya, pero hindi ko tatanggihan 'yan, Amor."
Pumunta sa kusina si Amor para kunin ang inihanda niyang meryenda nila. Mayamaya ay bumabalik na ito, tangan ang tray na may juice at dalawang cake.
Samantalang habang sila ay nauupo sa sala, masasabi niya na unti-unti nang nagiging mas komportable sila sa isa't isa. Magaan kasama ang ginang, at sa mga simpleng sandaling ito, maaaring masimulan ang magandang pagkakaibigan.
Umaga, sa eskwelahan ni Wendy, mataman siyang nakikinig sa kanyang guro. Habang ang kanyang katabing si Star ay kinukulit siya.
"Sige na, Wendy. Sasama ako mamaya sa bahay niyo," pamimilit ni Star. Naikwento niya ang may-ari ng apartment na tinitirhan nila. Naging curious ang kaibigan sa kanyang paglalarawan sa kanilang may edad na landlord.
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Gusto ko lang siyang makita. Sige na, Wendy?" sagot ni Star, tila interesado.
"Huwag ngayon, Star. Sa ibang araw na lang," tanggi niya na mahinang bumubulong. Mahuhuli pa sila ng teacher nila na hindi nakikinig.
"Ah, basta. Sasama ako mamayang uwian sayo," may ngising nakakasuyang giit ni Star.
Naiinis si Wendy, alam niyang hindi mapipigilan ang kaibigan na maging mausisa tungkol kay Uncle Sam.
"Miss Maro, anong binubulong n'yo d'yan ni Miss Samonte? Would you like to share it with us?"
"Ma'am!" Nagulat si Wendy at malakas na nasigaw, saka napatayo.
Nakagat ni Star ang kanyang pang-ibabang labi sa kapalpakan nilang magkaibigan.
Nasa school canteen ang magkaibigan. Nagsisihan sila dahil pinalabas sila ng kanilang teacher sa klase.
"Kasalanan mo, 'to. Kung hindi mo ako kinukulit kanina. 'Di sana tayo mapapalabas ni Mrs. Gutierrez," paninising turan ni Wendy.
"Inilibre na nga kita ng burger. Patawarin mo na ako, bhie. 'Wag ka ng magalit sa 'kin. Please, bati na tayo," panay naman ang amo ni Star sa kanya. Iniumang ang burger cheese kay Wendy.
Favorite niya ang burger cheese. Kaya alam na alam ng kaibigan niya ang kanyang weakness. Mabilis na kinuha ni Wendy ang burger at masama pa rin ang loob na kumagat sa tinapay.
"Kung hind lang kita love. 'Di kita patatawarin. Napahiya ako kanina at first time 'yon. Sa klase pa talaga, Star." Masama pa rin ang loob niya na nakahiya siya sa klase. Dahil lang sa pamimilit ng kaibigan niyang makita ang bagong landlord nila.
"Sorry na nga. Nagso-sorry na ako sayo. Hindi ko na ipipilit na makilala ang crush mo," sabi ni Star ng sa gayon ay hindi na sumama ang loob ng kaibigan niya.
"Makikilala mo naman siya. Pero hindi pa ngayon, saka secret lang natin ito. 'Wag mong sasabihin kay mama. Malalagot ako. Bawal pa akong makipag-boyfriend."
Napaismid si Star sa tinuran ni Wendy. "Natakot ka sa mama mo? Pero maswerte ka kasi mabait ang Mama mo at 'di ka pinababayaan. Tingnan mo sa bahay, mayaman nga kami. Puro away, wala na akong ibang naririnig kundi puro reklamo ni mommy. I want peace you know. 'Di pa sila maghiwalay lung hindi na magkasundo. Nang mayroon namang katahimikan sa bahay namin."
Mapait na napangiti si Wendy. Maswerte pa rin siya na mahal na mahal siya ng Mama niya at ang inuuna ay siya. Kaya nga 'di na ito nag-asawa muli dahil para sa Mama niya ay sapat na siya. Habang ang Papa niya ay mayroon ng sariling pamilya. Kaya nga kinalimutan na silang dalawa ng Mama niya. 'Di siya galit sa Papa niya dahil lang sa iniwan sila. Masama lang ang loob niya dahil 'di ito nakukuntento sa iisang babae. 'Pag nag-asawa na siya hindi siya matutulad sa pagsasama ng Mama at Papa niya. Ipaglalaban niyang maging buo ang kanyang sariling pamilya.
"Kaya nga, gusto kong gantihan si Mama sa lahat ng sakripisyo niya. Iyong makatapos man lang ako bago mag-asawa."
"Sana panindigan mo. Baka dahil d'yan sa crush mo bumigay ka na agad. Naku, Wendy. Kukurutin talaga kita sa singit. Ang bata-bata mo la may crush-crush ka na."
"Sorry po, Mama," sabi ni Wendy at saka sinundan nila ng malakas na tawa.
Nabg matapos ang klase nila ay sabay sila Wendy at Star na naglalakad pauwi. Mayaman ang kaibigan niya at may kotse. Sa katunayan ay araw-araw na may naghahatid-sundo ritong driver. Pero tinanggihan niya para sabay silang maglakad pauwi. Malapit lang naman ang eskwelahan nila sa mga bahay nila.
"Sa bahay ka matulog sa weekends, Wendy. Magpaalam ka na agad sa Mama mo," bilin ni Star nang matapat sila sa pulang gate. Sa loob ay compound ng bagong apartment na tinitirhan nina Wendy.
"Oo na. Kanina ka pa paulit-ulit. Umuwi ka na. Mag-iingat ka."
Nginitian siya ni Star. Pero may humintong kotse sa gilid nito. At itinuro ang sundo niya. Natawa na lamang si Wendy sa kalokohan ng kaibigan niyang si Star. 'Di sila maghihiwalay na dalawa. Magkasama pa rin sila sa lahat ng pagkakataon at kalokohan.
"Sige na, Wendy. Bye," at kumaway pa ng pamamaalam si Star pagkapasok nito sa loob ng sasakyan.
Tumango si Wendy at umalis na ang kotse, lulan si Star.
Binuksan ni Wendy ang gate at pumasok sa loob. Naglalakad siya papunta sa may apartment nila nang mahagip ng mata niya ang Mama niya at si Uncle Sam na masayang nag-uusap. May pahataw-hataw pa ng kamay ang Mama niya sa balikat ng lalaki. Kitang-kita niya ang malalaking ngiti ng ina. Habang tinitigan niya ito.
"Ma," tawag ni Wendy sa ina.
Sabay na napalingon sa gawi niya ang Mama niya at si Uncle Sam.
"Wendy, nakauwi ka na pala," nakangiting turan ni Amor sa anak. Nilapitan niya ito at inakbayan.
"Hi po, Uncle Sam," magalang na bati ni Wendy sa lalaki. Tumango lang ito sa kanya na sumeryoso na ang mukha.
"Anak, pumasok na tayo sa loob at nang makapagmeryenda. Nagluto ako ng paborito mong turon," dire-diretsong sabi ni Amor na igoniya ang anak papasok sa loob ng bahay nila.
Sinusundan ng tingin ni Sam ang mag-ina. At nang makapasok ang mga ito sa loob ng bahay ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay niya.
Ang bahay ni Sam ay nasa dulong bahay ng dalawang palapag na apartment niya. At ang katapat ng kanyang bahay ay ang apartment nina Amor. Bukod naman sa mga paupahang apartment ay mayroon din siyang ibang mga negosyo. Isa siyang professional, isang doktor at abogado.
Sa ngayon, ay nagtatrabaho siya sa isang maliit na ospital sa lugar nila. Mas pinili niyang sa kanioang bayan manilbihan kesa sa pumunta ng Manila.
Nang makalabas ng kuwarto niya si Wendy at makapagbihis ng damit pambahay ay binalikan niya ang Mama niya na inihahanda ang kanyang meryenda sa lamesa. Mataman niyang pinagmamasdan ang bawat galaw ng ina.
Masigla ito at 'di mapatid ang magandang ngiti sa labi. Parang mayroong kakaiba rito. Ayaw niyang isipin na may mali sa mga nakita niya. Pero sa pagkakakilala niya sa ina ay 'di pa niya ito nakitang nakikipag-usap ng matagal sa mga lalaki.
Nadala na nga raw ito dahil sa Papa niya. 'Di naman siya tututol kung magmamahal muli ang ina. Isa nga siya sa unang magiging masaya. Dahil nakatagpo ito ng lalaking mgmamahal sa kaniya.
"Ano pong pinag-uusapan niyo ni Uncle Sam, Ma?" biglang natanong ni Wendy.
Napahinto si Amor sa pagtimpla ng juice at tumingin sa anak. "Wala naman. Nagku-kwentuhan lang kami. Maagang nagsara ang bangko ngayon at maaga rin akong nakauwi. Naabutan ko siya sa labas ng bahay niya. Kaya nakipagkwentuhan ako sa kanya. Kinikilala ko lang ang may-ari nitong apartment. At natiyak kong mabait si Uncle Sam."
Tumango-tango si Wendy. Itinuloy ni Amor ang pagtimpla ng juice para sa anak. Nang makatapos ay inligay niya ang baso na may juice sa harapan ng nakaupong si Wendy. "Anak, dito ka muna. Babalikan ko lang ang nilalabhan ko. Kumain ka lang d'yan."
"Sige po, Ma. Ako na po ang bahala rito."
"Salamat," hinalikan pa muna ni Amor sa pisngi si Wendy. Pagkatapos ay pumunta ito sa laundry room para tignan ang isinalang niyang mga damit sa washing machine.
Sinusundan ng tanaw ni Wendy ang Mama niya. At napakibit ng kanyang balikat. Walang dapat na ikaselos. Pero kung sakali mang magkagusto ang Mama niya kay Uncle Sam. Hindi siya tututol. Dahil gusto niyang makitang maging masaya ang Mama niya.
MABILIS na tumulin ang mga araw, isang buwang nang naninirahan sina Amor at Wendy sa apartment ni Sam. Maayos naman ang mga nakatira sa kanyang apartment. Wala silang sakit ng ulo sa mga kapitbahay at ang may-ari mismo. At mas nakagaanan ng mag-inang Maro si Sam.
"Wow! Thank you po, Mama," todo ang ngiti ni Wendy na pasasalamat sa ina.
"Sige na, tapusin mo na 'yan. Dadalhan ko lang si Uncle Sam nitong niluto kong bilo-bilo," paalam na sabi ni Amor sa anak.
Biglang nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Wendy. Nang marinig ang sinabi ng Mama niya. Pupunta na naman ito kay Uncle Sam. Napapansin niya na nagiging malapit ang mga ito sa isa't isa. Habang siya ay parang 'di na siya napapansin ni Uncle Sam.
Napilitan na tumango si Wendy at payak na ngumiti. Nang makalabas ng bahay ang Mama niya ay itinuloy niya ang pag-aaral.
Natapos ni Wendy ang kanyang mga assignment. Nililigpit ang kanyang mga gamit. Napatingin siya sa wall clock, mahigit isang oras pala na pumunta ang Mama niya sa bahay ni Uncle Sam. Hanggang ngayon ay 'di pa rin bumabalik.
Nanood na lamang si Wendy ng TV habang hinihintay ang ina.
Ilang segundo ay narinig niya ang pagbukas sara ng pintuan. Nilingon niya ang direksyon ng pintuan at nakita ang ina na naglalakad palapit na sa kanya.
Napatayo si Wendy at sinusundan ng mata ang bawat galaw ng Mama niya. Papunta ito ng kusina at hinuhugasan ang mga hugasin sa lababo.
"Ma, ang tagal n'yo po?" hindi napigilan ni Wendy ang magtanong sa ina.
"Ah, napa-kwento pa ako d'yan sa kabilang apartment. Kaya ako natagalan. Pasensiya ka na, nak." 'Di nakatingin na tugon nito sa kanya.
Muling napaupo sa sopa si Wendy. Tila ikinataka niya ang pagiging magiliw ng ina sa lahat ng kapitbahay nila, maging kay Uncle Sam ay malapit din ito.
"Anong gusto mong ulam para sa hapunan, Wendy? Nagpapaluto si Uncle Sam ng adobong manok. Baka kako, gusto mo rin."
"Ho? Bakit naman po nagpapaluti pa sa inyo si Uncle Sam? Wala po ba siyang katulong? Ang yaman-yaman, hindi kumuha ng tagaluto niya para 'di na nagpapaluto sa inyo," Wendy murmured.
Naiirita talaga siya. Parati na lamang si Uncle Sam. May gusto ba ang Mama niya sa kanilang landlord?
Lumalapit naman ang Mama niya sa gawi niya habang nagpupunas ito ng kamay. "Nagprisinta na ako. E, kasi naman nakikita ko siyang araw-araw na nagpapadeliver ng pagkain. Dalawa lang naman tayo, sobra pa ang niluluto ko para sa 'tin."
"Ma, gagastos pa kayo para sa tatlong tao. Kulang na nga po ang panggastos natin. Saka may pera naman po si Uncle Sam. Kayang-kaya niyang bumili ng pagkain n'ya," giit ni Wendy.
"Ito naman, maawa ka naman doon sa matanda. Walang sustansiya ang kinakain niya sa fast food. Saka nagsabi naman siya na magbibigay siya para pambili ng grocery," katwiran pa ni Amor.
Lalong nairita si Wendy sa ina. "Ma, magpapaalam po sana ako. Mag-sleep over kina Star. Tutal, wala naman pong pasok bukas." Sa halip ay nasabi niya sa ina.
"Mang-iistorbo ka pa sa kaibigan mo. Pero, sige. 'Wag kayong lalabas nang gabing-gabi na. Baka naman kung saan pa kayo nagpupunta ni Star. Nang 'di ko nalalaman."
Napasimangot si Wendy. "Si Mama naman. 'Di po nakakalabas si Star sa gabi nang walang chaperon."
"Basta tandaan mo ang bilin ko, Wendy. Kahit nasaan ka pang bahay." Panenermon ng Mama niya.
Napilitang tumango si Wendy para matapos na ang usapan nila. Hahaba pa ito at maririndi lang siya sa panenermon ng ina sa kanya.