NAGULAT si Elli dahil paglabas niya mula sa barracks ay si Zayd ang naghihintay sa kaniya roon at hindi si Pia. “Nasaan sila?” “Nauna na,” matipid na sagot nito. Pambihira! Dapat hindi siya hinayaan ng mga kasama na maiwan kay Zayd. Hindi niya maiwasang mapatingala ulit sa langit at mas madilim na ngayon na may kasama pang kaunting pagkulog at pagkidlat. Ipinalangin na lang niya na sana makaalis na sila roon ni Zayd bago pa man tuluyang bumagsak ang ulan na iyon. Kahit paano nakahinga siya ng maluwag nang matanaw ang cable car na papalapit na sa kanila. Saktong pagtigil ng cable car sa harapan nila ay bumuhos na ang malakas na ulan at saktong pagpasok nila sa loob ng cable car ay huminto rin ang pag-andar noon at hindi na nga nagawa pang isara ang pintuan. Nang dahil sa malakas na ula

