“MA, kailangan ko ba talagang pumunta do’n?” tinatamad na tanong niya sa ina. She was talking about the prom, hindi kasi niya hilig ang pumunta sa mga ganoong klaseng okasyon. Mas tatagal siya kung nasa loob lang siya ng bahay at nag-aaral ng mga lessons niya o kaya naman ay mag-research ng mga new and trending architectural designs na makakatulong sa pag-aaral niya.
“Yes, of course, Tita. She needs to be there,” hirit naman ni Danikka. She was her cousin and sa kanila na ito nakatira simula nang 12 years old pa lang ito. “Ano ka ba naman, Elli! Bigyan mo naman ng kaunting kulay ang buhay mo. Wag puro aral, sayang ang ganda, girl!” she added.
“Oo nga naman, anak. Tama si Nikka, enjoy mo naman ang college life mo. Ga-graduate ka na’t lahat-lahat pero until now di ka pa nagpapakilala ng boyfriend mo sa amin,” pang-aasar pa ng Mama niya.
“It’s not my thing, Ma. Gusto ko muna makapagtapos, besides last sem naman na namin ni Nikka. After graduation i-enjoy ko muna buhay ko,” usal niya habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin dahil pakiramdam niya ay napakakapal ng make up na inilagay ng mga ito sa mukha niya o siguro dahil hindi naman talaga siya sanay na may kung anong nakalagay sa mukha niya.
“Hay nako, Tita. Talo pa nitong ni Elli si Maria Clara, eh. Kaya if I were you, Tita, wag ka na umasa na magkaka-apo ka kay Elli,” nakatawang biro ni Nikka. “Oh, siya tara na baka ma-late tayo, sayang ang daming boylet doon,” excited na saad pa nito saka nagmamadaling lumabas ng silid niya.
Paglabas ng pinsan ay lumapit sa kaniya ang Mama niya. “Alam mo anak, may point si Nikka. Di naman masama na minsan lumabas ka rin ng lungga mo para makita nila ‘yang ganda mo. Di ko sinasabi anak, na gumaya ka sa pinsan mo pero kailangan mo rin ng social life. You can’t live forever alone.”
Okay this is the night, Elli! Enjoy-in mo lang. Sabi niya sa sarili bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Mama niya.
“Elli, arat na!” tawag ulit sa kaniya ni Nikka.
“Enjoy your night, ‘nak!” habol na wika sa kaniya ng ina bago siya tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Nakangiti naman siyang tumango saka humalik sa pisngi nito at masuyo itong niyakap.
“I love you, Ma!” bulong niya rito saka sumunod sa pinsan.
Pagbaba niya ng hagdanan ay kitang-kita niya ang pagkainip sa mukha nito. “Sorry na, couz,” salubong niya rito. Hindi siya nito pinansin sa halip ay dumeretso ito pasakay ng sasakyan kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang din dito.
Magkatabi silang dalawa sa back seat ng sasakyan pero hindi pa rin siya kinakausap nito. Hindi niya rin maintindihan pero nararamdaman niya na malaki ang ipinagbago ng pakikitungo nito sa kaniya mula ng mag-college silang dalawa. Noong mga bata kasi sila ay sobrang lapit nila sa isa’t isa lalo na noong tumira ito sa kanila. Madalas din sa kaniya ito nagsasabi at nagkukuwento ng mga problemang pinagdadaanan nito lalo na kapag tungkol sa mga present boyfriend nito.
“Niks, ano bang mayroon doon? I don’t even know kasi kung ano yung una kong gagawin pagdating ko do’n. Alam mo naman first time ko ‘to,” natatawang wika niya rito. Gusto lamang kasi niyang basagin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa kaya kahit mukha siyang tanga sa tanong niya ay wala siyang pakialam.
She looked at her, coldly. “Pati ba naman ‘yong pagdating mo roon, Elli, poproblemahin ko pa!”
“Ang sungit mo naman. Mayroon ka ba ngayon?” biro pa rin niya rito. Sanay naman na rin kasi siya sa ganoong ugali nito. Bigla na lamang siyang susungitan ng walang dahilan pero pilit at pilit pa rin niyang iniintindi ang kalagayan nito.
“Hindi, wala,” mabilis namang bawi nito. “Ang traffic naman kasi masyado, late na tayo,” dagdag pa nito saka sumandal sa upuan ng sasakyan. Alam niya na hudyat iyon na ayaw na nitong makipag-usap kaya naman sumandal na lang din siya at tumingin sa labas ng sasakyan.
Mga bata pa lang sila ay talagang may pagka-moody na ang ugali nito pero siya ang palaging umiintindi rito. Lalo na nang mawala ang mga magulang nito dahil sa aksidente, iyon kasi ang palaging sinasabi sa kaniya ng Mama niya. Mabigat ang pinagdadaanan nito kaya siya ang dapat na laging umintindi rito. Sila na lang din kasi ang natitirang kamag-anak nito kaya wala na itong ibang mapupuntahan.
“Nandito na po tayo,” wika sa kanila ng driver at inihinto ang sasakyan sa tapat ng Hotel de Montecildez. Pinagbuksan naman siya ng pinto nito.
“Salamat po,” magalang na saad niya rito pagkababa niya. Tulad ng inaaasahan niya ay punong-puno ng estudyante sa labas pa lang ng hotel. Mabilis naman hinanap ng mata niya si Nikka at nakita na lang niya itong nagmamadaling pumasok sa loob.
Akala ko pa naman isasabay man lang niya ako. Malungkot na wika niya sa sarili.
Sinundan na lang niya ito dahil wala naman siyang ibang kakilala roon.
“Elli!” Napalingon siya sa malakas na tawag na ‘yon sa pangalan niya.
“Uy bakla!” Nakangiting sigaw din niya.
“Sige, girl. Isigaw mo pa,” nakasimangot na usal ni Ash sa kaniya.
“Ay, sorry!” natatawang wika niya sabay tutup sa kaniyang bibig. “Akala ko hindi ka pupunta, eh. Nag-aalala pa naman ako kasi akala ko wala akong makakasama ngayon dito.”
“Alam mo, girl, ayaw ko sana talaga, eh. Kaso may nakapagsabi sa akin na maraming fafables dito kaya ayun napilitan magbihis ang lola mo,” pabulong namang saad nito sa kaniya habang naka-akbay.
Totoong bakla si Ash pero walang ibang nakakaalam no’n kundi siya. Noong una nga hindi pa siya naniniwala dahil sa itsura nito sino ba naman mag-aakalang bakla pala ito.
“Saan ba tayo?” tanong naman niya rito.
“Tara, dito tayo,” mabilis na aya naman nito sa kaniya. Wala siyang masyadong kaibigan, hindi siya mahilig makipagkaibigan at naging kaibigan lang naman niya ito dahil sa ilang beses niya itong naging ka-grupo sa mga projects nila at accidentally nalaman niya ang sikreto nito at dahil doon mabilis na nagkapalagayan ang mga loob nila. “Buti, girl, pumunta ka. Akala ko nga ikaw ang hindi pupunta.”
“Alam mo naman, ayun napilit ako ng Mama ko. Since wala naman daw ako gagawin sa bahay, kaya ito nandito ako ngayon,” saad niya habang nananatiling hila siya nito at pagtapos ay pinaupo sa isa sa bakanteng puwesto na naroon.
“Actually, Elli,” seryosong wika nito sa kaniya habang paupo sa katabing upuan niya.
“Bakit, may problema ba?”
“Kasi right after the graduation gusto ni Daddy ipa-arranged marriage ako do’n sa anak ng kaibigan niya,” problemadong tugon naman nito.
“Naku, ano’ng gagawin mo niyan?” nag-aalala ring tanong niya rito.
“Actually, hindi ko pa nga alam. Sobrang laki ng problema ko. Jusko naman di pa ko handa isuko ang bataan,” naiiyak na saad nito. “Virgin pa ko tapos di ko pa kilala sino ipapakasal sa ‘kin. Sino ba ‘tong bruhang babae na ‘to ang nangangarap sa pagkadalaga ko.”
“Alam mo bakit kasi di mo na lang aminin sa Daddy mo ang lahat, for sure maiintindihan ka no’n,” payo naman niya rito.
“Hay naku, Elli! Di mo kilala ang Daddy ko. Di ko na nga alam paano ako tatakas sa anino niya, eh.”
“Alam mo i-enjoy muna natin ‘tong gabi na ‘to, kalimutan mo muna ‘yang problema mo,” naiiling namang wika niya rito. “Wait ka lang diyan, may kukunin lang ako,” paalam niya rito saka tumayo at lumakad papunta sa mahabang wine table hindi kalayuan sa puwesto nila.
Maraming tao malapit sa area na iyon dahil nandoon ang mga alak at malapit din sa dance floor kaya talaga namang nagkakagulo ang mga estudyante galing sa iba’t ibang kurso. Kaya naman hirap na hirap siyang makalapit sa wine table.
Nang makakuha siya ng inumin para sa kanila ni Asher ay lumakad na siyang pabalik sa kinaroroon nito ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa wine table ay may taong biglang bumangga sa kaniya.
“Ay!” malakas na sigaw niya at sinubukang iiwas ang wine glass na hawak niya rito ngunit huli na ang lahat.
“What the!!” sigaw rin nang nakabangga niya at dahil nga sa wine na natapon sa damit nito ay masama ang mukha nito nang tumingin sa kaniya.
“Sorry, sorry!” nag-aalalang wika niya saka mabilis na pinunasan ang damit nitong bakas na bakas ang kulay ng red wine. Dahil din sa nangyari ay nasa kanilang dalawa na ang atensiyon ng mga taong nandoon sa party.
“Ano bang ginagawa mo!?” galit na sigaw nito.
“Pasensiya na. Hindi ko naman sinasadya, eh,” paghingi naman niya ng paumanhin dito.
“Zayd!” awat naman dito ng isang lalaking nasa tabi lang din nito. “Tama na ‘yan. Magpalit ka na lang.” Inakbayan nito ang binata at pilit na inilayo sa kaniya.
Naiiling naman ito habang nakatingin lang sa kaniya.
“Nope! Dahil kasalanan mo kailangan mong sumama sa akin,” matigas na wika nito saka siya hinila sa pulso niya.
“Hindi! Hindi siya pwedeng sumama sa ‘yo!” isang baritonong tinig ang pumigil at humila rin sa kabilang braso niya.
“Ash!” mahinag usal niya sa pangalan nito at bahagyang nakahinga ng maluwag nang makita ito.
“Wag kang mamakialam dito, brad! May atraso sa akin ‘tong babaeng ‘to,” mariing wika pa rin ng natapunan niya ng wine at malakas siyang hinila sa kamay niya dahilan para mabitiwan siya ng kaibigan at mabilis din siyang nahila nito palayo roon.
Nakatingin lang siya sa kaibigan habang hila-hila ng lalaking iyon palayo. Hindi niya alam kung saan siya balak na dalhin nito pero tingin naman niya ay hindi siya gagawan nito ng masama.
Kinakabahan siya dahil hindi naman niya kakilala ang lalaking kasama at hindi niya alam kung anong gagawin nito sa kaniya. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Hinila siya nito papasok ng elevator at pinindot ang 18th floor. Iyon ang pinakahuling floor ng hotel na iyon. Kaya tingin niya sa rooftop sila pupuntang dalawa pero wala naman siguro itong balak na ilaglag siya sa rooftop, ano?
Binitiwan na nito ang kamay niya pero kinakabahan pa rin siya.
“Saan mo ba ako balak dalhin?” hindi makatiis na tanong niya.
“Wag ka mag-alala wala akong gagawing masama sa ‘yo,” masungit na tugon pa rin nito sa kaniya kaya pinili na lang niya ang manahimik.
Pagdating nila sa 18th floor ay isang pinto lang ang mayroon doon. Isang floor ngunit isang silid lang ang naroon.
Ano ‘to penthouse? Hindi maiwasang tanong niya sa sarili.
Pumasok sila sa loob kaya nasiguro nga niyang penthouse ‘yon.
“Oh, labhan mo ‘to,” utos nito sabay hagis sa kaniya ng suot nito na natapunan niya ng wine. Sa sobrang paghanga niya sa lugar na iyon ay hindi niya napansin na nahubad na pala nito iyon.
Tinalikuran siya nito at naglakad palayo sa kaniya.
“Oy, teka!” pigil naman niya rito, tumigil naman ito at lumingon but he just gave her an asking look. “Hindi kasi ako marunong maglaba,” nag-aalangang pag-amin naman niya. Hindi naman siya anak mayaman ngunit masasabi rin niya kahit paano na may kaya sila sa buhay kaya naibigay pa rin sa kaniya ng magulang ang lahat ng pangangailangan niya at ni minsan hindi siya pinagawa ng mga ito ng gawaing bahay.
“Ano palang silbi mo bakit ka pa sumama rito?”
“Teka, ikaw lang naman kasi ang humila sa akin dito,” pagtatama niya sa sinabi nito.
Naiiling na lamang na kinuha nito ulit sa kaniya ang damit na hinubad nito saka siya tinalikuran at pumasok sa isang pintuan na naroon.
Habang wala ito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na ilibot ang paningin sa penthouse na iyon. Kaya sigurado na rin niyang ito ang may-ari ng hotel na ‘yon.
Naglakad-lakad siya sa kabuuan ng living room na iyon, pati mga gamit na naroon ay sigurado siyang mamahalin.
Ang ganda ng pagkakagawa! Ang galing no’ng architect ng lugar na ‘to, ah. Sobrang unique ng design, ngayon lang ako nakakita ng ganitong design kahit sa mga magazine hindi ko pa ‘to nakikita. Di napigil na paghanga niya sa buong lugar.
Pagpasok ng pintuan ng penthouse na iyon ay isang malaking living room ang bubungad. Nagko-complement ang ganda ng mga gamit roon sa kaelegantehan ng lugar. Glass panel ang wall at ceiling ng buong bahay kaya kitang-kita niya ang kagandahan ng siyudad at ang mga star mula rin doon sa kinatatayuan niya.
“Bakit?! Ano na naman bang ginawa ko!?” narinig niyang sigaw nito ngunit alam niyang may iba itong kausap. “Di ba nag-usap na tayo?” Na-curious siya kaya naman sinundan niya ang pinanggagalingan ng boses nito.
Nakita niya ito sa maliit na balcony ng silid na iyon. Nakayukyok lang ang ulo nito at mukhang malaki ang problema. Tatalikuran na niya sana ito nang mapansin niyang nahihirapan itong huminga pagtapos noon ay ang biglang pagbagsak nito sa sahig. He was struggling and gasping for air.
Kinabahan at nataranta siya dahil sa itsura nito, mabilis siyang tumakbo palapit dito.
“Mister! Mister, okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya rito. But geez of course he is not okay! Natararantang kastigo niya sa sarili.
“CPR! CPR!” nininerbiyos pa ring saad niya dahil hirap na hirap na itong huminga. “Teka, paano ba?” naiiyak na wika pa niya sa sarili pagtapos ay bigla siyang hinawakan nito sa braso niya, na parang gustong sabihin sa kaniya na tulungan niya ito. “Bahala na!” natatarantang sigaw niya.
Pinisil niya ang ilong nito at mariin siyang pumikit saka mabilis na idinantay ang labi niya sa labi nito para malaya niya itong mabigyan ng hangin.