Chapter 40 - Girl Of Your Past When the engagement party day come mas lalo lamang akong nawalan ng gana. Nasa venue na ako ngayon ng engagement party, nakaupong mag-isa, at hindi ko man lang magawang makipaghalubilo sa mga bisitang dumadating. Si Nathalie lang ang mag isang nagi-greet sakanila. Tanaw ko mula rito sa pwesto ko ang nakangiting si Nathalie, nakikipagmayan at masayang nakikipagkwentuhan sa mga bisita. Napailing nalang ako, Tumayo na ako at aamba sanang umalis ngunit bigla akong tinawag ni Nathalie kaya natigilan ako. "Kenneth!" Agad akong napalingon sakanya, patakbo sya ngayon papunta sa akin habang hawak-hawak ang kanyang mahabang gown. Hindi parin mabura ang ngiti nya nang harapan nya ako. "Hindi mo man lang ba iwe-welcome ang mga bisita natin? Hinahanap ka nila!" Sabi

