---------------- Warning: Medyo SPG Chapter 42 - Maayos "Alam mo, may balak sana akong pumunta ng new zealand para mag aral doon ng Agri Business," Tumingala sa akin si Jasmine nang sinabi nya iyon na sobrang ikinagulantang ko. "What!" Hindi ko makapaniwalang tugon habang nanlalalaki ang mga mata. So mabuti nalang pala at pumunta ako dito! Nagkamot sya ng ulo tsaka ngumuso, umalis din sya sa pagkakasandal sa katawan ko. Nakaupo kasi kami ngayon, nakasalampak ako habang nasa may bandang likuran nya ako. "Kasi may kaibigan si lolo na may farm doon, wala kasi yung anak at nais nyang si lolo nalang ang mamahala ng farm nya, at ako-" Umiling kaagad ako, hindi ko na sya pinatapos dahil hindi ako makakapayag. "No, Hindi pwede! Hindi ka aalis, You cannot do that," Mariin kong sabi, halos p

