"YOU'RE pregnant, anak?" Hindi makapaniwalang tanong ng mommy ni Sabrina nang i-anunsiyo nila ni Kerkie ang pagbubuntis niya. She was almost three months pregnant. Hindi pa malaki ang tiyan niya pero kung magsusuot siya ng fitted na damit ay mahahalata na. Lumarawan ang saya at pagkislap sa mata ng Mommy niya. Makikita ang saya sa mukha ng mga ito. Inalalayan pa siya ng mommy niya umupo kaya natawa na lang siya. Hindi lang siya kay Kerkie spoiled kundi sa mga ito. Last time na pumunta siya sa kanila kasama ang mga bata ay pinaalam na rin niya sa daddy at mga kapatid ang kalagayan. Naikuwento na rin niya si Kerra kaya nang dinala ito ay welcome na welcome ito sa kanya. Mahilig naman sa bata ang mga kapatid kaya hindi na siya nagulat nang makagaanan ng loob ng pamilya niya ang bata. When

